-Day 86, Wednesday, April 11-
"Ikaw ah, ilayo mo yang mga pets mo sakin, uupakan kita dyan eh!"
"Ikaw pa?! Yan ang mapapala mo sakin kapag pinagpatuloy mo yang kaingayan ng bunganga mo, itong Williams household eh hindi magto-tolerate ng mga maiingay na tulad mo rito.
Hindi ko na sya pinansin at sinubukan ko nalang na huwag tingnan yung mga higanteng fruit bats nya na nakasakay lang sa itaas nung kotse. If only hindi lang nila nilalawit yung mga katakot na mga pakpak nila sa gilid nung ride namin eh okay na sana.
"Paano mo naman na-train yang mga yan?"
"Mammals... Guinevere... Mammals... madali lang silang turuan. Not to mention na meron din naman kaming banana/mango plantation lang sa other side nung villa namin kaya may all you can eat sila rito."
"Eh yung pusa mo... na parang aso kumilos?" tanong ko sa kanya sabay turo dun sa isang pusang nakalabas ang dila at nagpa-pant sa likod ng kotse.
"Private Snowball. Harbinger lang kasi tawag ni Subaru sa kanya eh."
Hindi ko na tinanong kung sino ba yang Subaru na sinasabi nya. "Nasaan na ba kasi tayo eh, tinatakot mo na ako ah..."
Hindi na sya sumagot at medyo natawa nalang. Tumingin ako sa orasan nung kotse namin at nakita kong 9pm na pala. Kung ano nanamang kalokohan ang gagawin namin dito eh bahala na sya dun. Buong araw naman na kaming nagpicturan at tapos naman na siguro yung quota namin sa ngayong araw.
"Isang kalokohan nalang ang gagawin natin dahil KJ ka naman eh," sabi ni Daryl nung hininto na nya yung kotse sa isang madilim at magubat na lugar. "'Wag kang alala, parte pa rin tayo ng Williams villa at ligtas rito!"
"Bakit naman kasi walang ilaw rito eh! Nakakatakot na 'to ah!"
"Walang ilaw 'tong lugar na 'to kasi pinatay ko bago tayo umalis," sabi nya sabay labas ng kotse na mukhang may sinisilip downhill.
Lumabas na rin ako at sumilip na rin.
Oh would you look at that! Nasa hill pala kami overlooking Bontoc. Malamig, tahimik... at peaceful... Nope! Wala akong naalala, kasama ko si Daryl at tumatambay kami rito-
"Bakit nga pala tayo tumatambay rito? I never knew na gusto mo rin tumambay sa mga relaxing na lugar."
"Relaxing? Who said anything about relaxing? Nandito tayo ngayon para mag-spread ng entire night of pure chaos!"
"Wait what?"
Lumapit sa Daryl sakin at nagturo ng isang section ng city sa baba. "See those buildings over there? Yun ang target natin. Abot ni Private Snowball yan, at mapupunta pa 'to sa balita bukas!"
"Ano ba kasing gagawin natin?"
"Spreading provincionalism... kung ano man ibig sabihin non."
Magsasalita pa lang sana ako nung pumito si Daryl at mabilis na tumakbo yung pusang aso nya papunta dun sa mga building sa baba, sa mahirap na section nung city.
Madilim dito pero buti naman maliwanag dun sa pinuntahan nung pusa at pinagmasdan namin ni Daryl yung ginagawa. Apparently, yung pusa eh kinakaskas yung kahoy sa gilid nung mga bahay hanggang sa bumukas yung ilaw sa loob.
Pumito nanaman yung kasama ko ng isang kakaibang pito at parehong lumipad yung dalawang alaga nya papunta dun sa bahay na tinarget nung pusa, at lumanding sa bubong at kung anu-anong kaluskos yung ginawa.
Nung lumabas yung may-ari nung bahay eh biglang lumipad na kaagad yung dalawang paniki nya pabalik sa amin.
Lumayo nalang ako ng kaunti kay Daryl nung bumalik na sa kanya yung mga alaga nya. Domestic nga sila oh hinde, eh mga higanteng mga paniki 'tong dalawang 'to at hinding hindi ako lalapit dyan.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)