-Day 222, Saturday, August 24-
"At nandito na tayo! Iba setting natin ngayon para maiba naman!" sabi ni Kendo sabay lagay nung folder na dala-dala nya sa isang malaking bato. Humangin ng kaunti at kailangan pa nyang daganan yon ng isa pang bato.
"Ito yung dito kami lumanding ni Thunder nung araw na yun ah..."
"Yeah, at alam ko kung ano yung sinasabi mong araw. Ito lang kasi yung lugar kung saan mabato para madali lang yung training."
"Handa na ako kung ano man yan!"
"Tandaan Mari, ikaw magdadala ng legacy ko sa Pinas okay? Pag-alis namin eh nakasalalay nalang sayo ang quality ng mga palabas dito kaya let's make this work!"
"Aye-aye cap'n!"
Lumakad na si Kendo papunta sa'kin at lumingon muna sandali sa dalampasigan. Once again, gabi na ulit, pero since ito yung designated landing spot ni Thunder the merong kaunting lamp posts dito. "Parang kelan lang din eh no? Nung binabastos mo pa ako sa training? Remember that?"
"Ah-eh matagal naman na yun eh hehehe..."
"Yeah, lahat nga kayong mga half-in-half eh mababa lang talaga tingin sa mga tulad kong... brown..."
"At yung nang-asar sayo noon eh nandito pa rin sa harap mo ngayon! Now isang loyal follower," sabi ko sabay bow.
Humangin nanaman at nakita kong gininaw si Kendo ng kaunti, na nakasuot nanaman ng sando.
"Okay let's get over with," sabi nya nung kinuha na nya yung top portion nung files nya. Hindi naman nya sa'kin man lang pinakita kung ano yon pero whatever. "Oh tanggalin mo na yang sweater mo at start na tayo."
"Suot mo sweater ko? Giniginaw ka eh."
"Nah, maraming magaganp ngayon, kaya nga naka-sando lang ako eh!"
"Eh kahit wala namang nagaganap eh naka-sando ka lang eh kaya your argument is invalid."
Anyways, inalis ko na yung sweater ko at hinagis ko sa kanya. Alam kong hindi ako laging prepared noon pero this time handa akoh!
"Behold! This time naghanda ako! Akala mo I'm not prepared?!"
Natulala si Kendo sa'kin ng ilang segundo, just like I planned!
"Ah-eh-uh-eh d-diba sabi ko hindi ka pwedeng ganyan diba..."
Kitang-kita kong hindi nga sya maka-salita ng deretso sa suot kong... plain white masikip na T-shirt... wow naman ang taste nitong lalakeng 'to. "Ah basta! I'm ready!" Baka gusto nya na kitang-kita ang shape ng mga babae... who knows?
"Mari, seryoso ako dun sa sinabi ko sa damit noon! Maganda yan! Masyadong maganda yan! Hindi tayo makakapagsimula kapag nakasuot ka nyan!"
Actually hindi ko talaga alam kung seryoso ba sya o nagbibiro lang or whatnot kaya nilapitan ko nalang sya habang pinupulot pa nya yung nalaglag na sweater ko. "What do you think of my outfit?"
Napalingon lang sya ng isang segundo tapos inalis na nya ulit yung tingin nya. "Geez Mari, masyado kang sexy dyan sa damit mo, suot mo na nga itong sweater na 'to ulit, alang'ya ka."
Awww... actually pinapabilis nanaman nya yung tibok ng puso ko hihihihi! "Okay! Basta dapat hubarin ko 'to mamaya ah!"
"Mari nandito tayo para gumawa ng history! Pwede tayong maglandian next week, hindi ngayon! May oras naman para dyan eh."
Oh well, sinuot ko nalang ulit yung sweater ko kanina at nabalik na ako sa dati. 'Alang kwenta rin naman pala 'tong paglalandi ko na 'to kung ayaw naman magpalandi!
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)