-Day 38, Saturday, February 22-
Lahat nung mga tao napatingin kaagad nung binati silang lahat nung ga-higanteng AS na dumating, both sa height... and other things...
Nakita ko rin na kasama nya ulit yung 'doktor' nya, maayos na kaya si Selena? Ano bang ginagawa nila rito? Di ba dapat nasa La Paz sila ngayon? Nilipad ba rin sila ni Thunder papunta rito?
Napatingin ako sa dalawang kasama ko.
Si Ellie tulala.
Si Miggy tutulo na yung laway.
"Hi Everyone! Citizens of Emtree Lee's! I come bearing news!" Sabi ni Ate Walter sa lahat ng mga tao sa kanyang usual na cute na pananalita. I do wonder paano nya napag-cocombine yun at yung mala-tore nyang height.
Kinurot ko yung sarili ko, nananaginip ba ako? Hinde? Okay, dapat naman siguro may explanation 'to.
Walang hiyawan, pero yung mga tao unti-unti nang naglalabas ng CP nila para picturan si Ate.
Napatingin ako sa labas, andami nang tao sa labas.
Posible ba 'to? Kanina lang personally hinatid ako ni Thunder dito! Hindi ko nga alam kung naka-alis na sya eh.
Nakita ko ba si Ate kahapon? Hinde ata... pero may role sya diba? O hinde pa nga tapos yung script at break muna? Pero ano naman ang chances na pasukin nya yung ice cream shop na nandun ako sa dinami-rami ng ice cream shops dito sa Maynila!
"I came here to advertise-" halatang nahinto si Ate sabay tingin sa doktor nya sabay tingin sa labas ng pinto. Naglakad muna sya palabas, iniwan yung doktor nya, at bumalik na kasama, as expected, si Ilana...
Na maraming tao nanaman ang nagkakandarapa para pisilin sya sa pisngi at I-pat sa ulo.
"Yan na nga yung sinasabi ko sa inyong dalawa eh, since napunta ako sa AS eh everytime na pupunta ako sa Emtree eh darating yan!" Malakas na bulong ko sa kanilang dalawa.
"Wow ampogi naman nung doktor nya..."
"Ellie, tutulo na rin yung laway mo oh," napabuntong hininga nalang ako sa dalawang kasama ko.
"I came here to advertise about our upcoming show! Please show your support for us!"
Wow, mukhang wala naman palang kaalam-alam sa tamang advertising na pananalita 'tong si Ate ah. Siguro talagang binuhat lang nung hitsura nya. Geez, napapa-cringe ako sa mga sinasabi nya.
Welp, pakita na nga ako.
Kinawayan ko silang tatlo at nakita naman nila kaagad ako.
Binuhat ni Ate si Ilana at naglakad samin.
At ika nga sa mga unang kita ko sa kanya e tinakpan nanaman nya yung liwanag at nagdilim nanaman sa side ko.
"Oh hello! How's the campaign going?"
"Ooh-ooh-ooh! It's the girl with the wierd letter name!" Eksena pa ni Ilana bago sya binaba ni Ate at pi-nat yung ulo ko.
Awwww... ang cu-
"Uh yeah! Campaign's going nicely, how's yours?"
Napatingin si Ate sa dalawang tulalang kasama ko, "well pleased to meet you too, frozen humans!"
Napatingin ako sa mga tao sa likod ni Ate, "I think they're-"
"Taking pics of my behind again, yes, I know. When you're this tall, you just can't help but bend down, ya'know."
"Glad to know that."
"So be good here!" Sabi nya sakin sabay kindat. Sa tingin ko e alam din na talaga nilang lahat yung plano kung bakit ako nandito sa BT-7.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...