-Day 40, Monday, February 24-
'Alam mo Kendo, nagtataka lang ako eh, bakit nga pala everytime na magvi-video call tayo eh parang kisame lang yang screen mo? Nagsasalita ka lang ba sa gilid?'
'Oo, bakit? Ayokong nakikita sa screen eh.'
'Para kang supercomputer dyan sa ginagawa mo eh.'
'How in the hell paano ako naging supercomputer sa ginagawa ko? Ayoko lang nakikita sa screen, that's all at hindi mo na kailangang gawing big deal, pwede ba?'
'May balita na ako ngayon, kaya listen up na?'
'May script ka na? Diba bukas na pilot episode ng Enchantine 2? Bakit wala ka pa rin? Hindi porket na week 3 ka pa lilitaw eh wala ka pa script.'
'Eh wala pang script eh, hindi pa nagsusulat, baka bukas magsusulat na-hey! Patapusin mo muna ako at may importante akong balita!'
'Ano naman yun?'
'May nanliligaw na sakin!'
'Oh that's great! Never thought na yung calculations ko eh ganito kaaga yung mga maga-
'Calculations?! Ano 'to?! Prediction nanaman?! Ano naman yon??'
'Nah, wala lang, top secret na yon, 'wag mo na alamin, hindi ka lang makakatulog nyan eh.'
'Ano nga kasi eh!'
'Nope, no can do. Alam mo namang magaling ako mag-predict eh.'
'Bakit nga pala hindi mo nalang sabihin sakin para hindi nalang ikaw ma-disappoint?'
'Eh kapag sinabi ko na sayo eh magre-react ka nanaman ng sobrang volatile na kahit ako hindi ko kayang ma-predict.'
'May kinalaman ba 'to dun sa babalik pa ako dyan? Kasi pupuntahan kita dyan this weekend kapag hindi ka pa tumigil dyan. Hihimasin kita talaga eh.'
'Tungkol lang naman yun dun sa long-term success rate mo. Alam mo naman ang showbiz, dapat puro landian lang. Kapag may nanliligaw na sayo eh ibig sabihin lang non eh may project ka na kaagad after EN-2! Win-win diba?'
'Yun na ba yung prediction mo? Mukhang harmless naman ah.'
'Hinde, pero may kinalaman din dun ang tendency ng mga tao sa corruption...'
'Corruption? Ano 'to? Senado? Haha! Sinabi mo na yan kagabi eh!'
'Mostly hindi mo naman mage-gets, ika nga nung usapan natin kahapon, kaya feel free nalang mag-usap tungkol sa daily dose of landian na nangyari sayo ngayong araw.'
'May nanliligaw na sakin!'
'Isa kang Half-French dito sa Pinas, ano pa bang kailangan kong malaman dyan?'
'Ano namang klaseng sagot yan? Sobrang... supercomputer!'
'May mali ba sa sinabi ko? Tama naman diba?'
'You're supposed to ask me yung details nya! Hindi gumawa ng isang generalized assumption!'
'Okaaayyy... bakit nga pala ako nakikipag-usap ng landian sayo...?'
'Kasi wala pa akong script? At the fact na hindi pa rin kapani-paniwala na first crush mo si Brianne?'Ryan? Whatever the heck na tawag sa kanya.'
'Ay oo nga ano...'
'Ikaw supercomputer ka na nga hindi mo pa rin alam yan.'
'Ano ka ba naman, tao lang ako. Especially landian matters. Plus pwede bang tigilan na nung mga models nyo na kontakin ako? Nakaka-bwisit na sila ah!'
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)