-Day 59, Saturday, March 15-
Everything's fine... cool ako ngayon... sa sobrang cool ko nga ngayon eh posible na ngang magyelo yung buong kwarto eh... wala... walang big deal... everything's fine, all is under control... Yung naganap kagabi? Wala lang yon, sigurado naman ako na pagdating ko kaagad sa BT-7 eh babalik na ang lahat sa dati. Isang tingin lang siguro sa mga hunks don eh swapped back na ako to reality!
Oh tingnan mo nga naman! Isang piece of technology! Sandali ngang tingin muna ako ng mga hunks dito sa phone ko...
'Thunder AS Shirtless'
... parang lagi ko na 'tong nakikita, dapat siguro humanap din ako ng isang magandang parte eh no bukod sa abs, paano kaya kung pecs nalang-
"Akala ko ba magpaplano-"
"WALA AKONG GINAGAWA! INOSENTE AKO! 'WAG NYO KONG KUNEEEENNN!!!"
Holy crap! Ano na bang nangyayare?! Nagpaplano ba kami?! Ay oo nga ano?! Oh would you look at that!
"Hindi ngayon ang tamang oras para tumingin sa mga nakahubad na mga lalake, Mari, pwede ba?"
"Ah ano kasi Kendo eh... wala ako sa sarili ko ngayon eh... parang merong something eh," tumalikod muna ako at nilakasan pa yung aircon sa likod ko, siguro naman eh mababalik na yung lahat sa normal nito, I guess.
"May kinalaman ba yung kagabi dyan? Parang hindi ka na normal mula kanina pang umaga eh, at 9 am pa lang! Marami pang kailangan gawin!"
"Ah-eh siguro nga eh, siguro hindi muna tayo magtinginan no?"
"Ano namang klaseng discussion 'to kung ganon lang pala yung magaganap ah? Yung kagabi eh naturn-on ka lang at wala nang iba. Eh lagi ka namang natuturn-on ah? Anong kinaiba nung mga iba dun sa kagabi?"
"Base sa pananalita mo eh hindi mo naman alam kung anong nangyayare eh..."
"Hindi nga, tao lang ako eh."
"Hindi ka naman tao eh! Pero may something talaga at wala ako sa sarili ko ngayon..."
"Oh..." Nakita kong binaba ni Kendo yung dala nyang ballpen sa peripheral vision ko, "Baka gusto mong mag-isa muna?"
"Siguro nga kailangan ko muna mag-isa. Malalampasan ko rin 'to kaagad! And soon we'll be back sa usual discussion natin! If ever na hindi pa ako nakakapag-isip ng tama eh nandyan naman si Danica eh!"
"Mari naman... naturn-on ka lang eh... Mas matangkad ka na nga sakin natuturn-on ka pa rin eeeehhhh... Ano ba?! Hindi ba pwedeng hindi ka muna ma turn-on kahit sandal lang?!"
"Bakit ba parang wala ka talagang alam sa ginagawa mo ah??"
"Alam ko kaya ginagawa ko... ikaw lang naman 'tong kaunting ewan lang nag-iinit na eh..."
Pinatong ko yung paa ko sa mesa namin pero sinigurado ko pa rin na 'wag syang tingnan, "parang wala lang sayo yun ah... ano ba meron?"
"Eh wala lang naman talaga eh... kasi lagi ka namang naglalandi diba?"
Huminga ako malalim nung nararamdaman kong umiinit nanaman yung pisngi ko eh... isa lang itong minor setback, makakabalik din ako sa dati kong normal function in no time.
"Well then, upo muna ako rito?"
"Yeah upo ka muna dyan at talikuran muna tayo."
"Oookaaaayyyyy... suit yourself."
Inikot ko na yung rotating chair ko at lumingon muna sa balcony ko dito sa kwarto. Hindi tulad kagabi eh hindi na mahangin. Kaya nga sinara ko na yung glass door at naka aircon na kami ngayon eh.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...