-Day 41, Tuesday, February 25-
"Sorry nalang talaga! Hindi ko pa rin masimulan yung Beyong the Veil eh."
"Hah! Nauubusan ka na ng time! Oh ano, nasabi mo na ba yung tungkol sakin?"
"Ay oo nga pala," huminto muna ako habang inalala ko yung mga sinabi sakin ni Mrs. Aparador kanina, "walang guarantee ng fame 'to ah, kapag hindi ka raw sumikat eh that's it na, got it?"
"Got it, ano ka ba naman, if ever naman na hindi ako sumikat at ikaw oo, eh meron na akong connection at pwede mo na ako ibalik dyan if ever. G.A. naman, showbiz 101 lang yaaaannn..."
"Ganon ba yon?"
"Yeah, easy peasy, dali lang ano? So bale kelan ako punta dyan? Meron din ba akong benefits?"
"Wala, niisa naman sa crew wala eh. Ang benefits na raw nila eh makikita nila yung mga artista everyday."
"Wow, yun lang?"
"Oo yun lang-"
"O out na muna ako ah, nood pa 'ko Bayani sa Silangan eh."
"Ah sige, take care sistah!"
Tumingin ako sa orasan, bale around 7:30 na pala, so bale pwede ko nang tawagan sina Kendo at ipagmayabang ko yung mga nagawa namin ni Christian kanina!
Nakahanda na yung mga papel sa harap ko! Siguradong maiimpress sya sa progress ko! Tapos kapag dumating na yung bwiset na N.b.F.z na yun eh sya yung magpapanggap na editor sakin! Bale ako yung dakilang screenwriter ng Enchantine 2! Eh heheheHA!
In the end, kaming dalawa lang ni Kendo ang maglalaban sa ratings! Plus Bayani sa Silangan of course...
Hmmm... What if tawagan ko muna sina Ellie ngayon, kamusta na kaya sya? Parang hindi ko sya nakita buong araw ah.
Okay... commence call.
Connecting...
Connecting...
Connecting...
"Uh hey-uh Gina?"
Oh buti naman sumagot na sya, "ah yes?"
"Pwede ba bukas na tayo mag-usap kung ano man yung pag-uusapan natin?"
"Aba'y bakit naman! Marami akong ibabalita sayo! Maraming naganap ngayong araw! Bakit ba hindi tayo pwede usap?"
"Uh-ako rito eh."
"Nasan ka ba?"
"Nakina Miggy."
"At ano namang ginagawa mo dyan?"
"G.A. alis ka na kasi eh, busy nga kami!"
Aba parang si Miggy yung narinig ko ah, "ano bang ginagawa nyo dyan?"
"Nagdi-discuss kami ng mga malalalim na mga bagay! Philosophical na mga bagay, pinag-uusapan namin ang fate ng humanity in the next 50 years!"
Ano namang klaseng sagot yon...? "Nasa condo kayong dalawa no?"
"Gina, nandito kami sa kwarto, pwede ba bigyan mo naman kami ng privacy?! Nalimutan ko lang naman i-set yung phone ko sa silent eh!"
"Aaaahhh... So nagpaparami pala kayong dalawa dyan... Eh hehehe... Galing ng timing ko noh?"
"Yeah, now get out!" Malakas na sabi ni Miggy through the phone.
"Don't forget to use protection!" Sigaw ko sa kanila bago ako mag end call.
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Ficção Adolescente[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...