-Day 61, Monday, March 17-
'AHAAAAAAYYYY!!! Sobrang gwapo naman nung mga contestants natiiiin!"
'Ay oo nga bes! O ngayon tatanungin kita, sino ang Kakasamahin lang o yung Kasama habambuhay!'
'Aaaay syempre yung nasa blue!'
*Yung buong studio naghiyawan sa pinili nung bakla*
'Oy ah! Akin yun eh!'
*Yung buong studio naghiyawan ulit dun sa pinil nung pangalawang bakla*
Tunurn-off ko na yung smartphone ko. Ano oras na ba? Malapit na palang mag 8am no? Aga kong nakarating dito ah, siguro nga dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos kahapon sa kakaisip-
"Bibigyan kita ng salute, for you have given me a fabulous option!" heroic na sabi ni Daryl habang naka-upo sya sa tabi ko... Eh lintek na ang cute lang nya talaga kaya parang automatic nalang yung kamay ko pumunta nalang sa ulo nya at sabay pat.
"Para ka talagang 5-year old, noh?"
"5 year old? Preposterous! The audacity!"
"Para kang nagmamarunong na bata or gusto mong ipagmayabang na nakatapos ka na nung Lego sets mo..."
"Foolishness! Baka akala mo lang na only the best lang ang ginagawa ko dyan sa mga blocks na yan!"
"Aaaahhh... so naglalaro ka pa rin ng Lego?"
"You could say na isa akong enthusiast. Hey! Gusto mong makita yung mansyon na gawa ko?"
Aba'y parang naging 5 year old nga sya in an instant. I wonder bakit kaya ganito sya umarte? Nevermind, cute naman sya eh.
Hinarap nya sakin yung phone nya at nagpakita sakin ng isang mala-mansyon ngang Lego sets.
"Wow! Ang ganda naman nyan!"
"See? I'm something on an architect myself!"
"Meron pa bang iba pa?"
"Ay oo nga pala," sabi nya sabay tago na nung phone nya. "Nakita ka raw nung Friday dun sa harap nung New Life Hotel? Nakasakay ka raw sa isang blue Lamborghini at may sinundo ka?"
Wait... what?! "Ano kamo...?"
"May sinabi si Mommy sakin na sinabi na rin kay Tita Cabinet, na malamang alam na nga lahat nung mga crew dito eh. Eh ako, wala akong panahon for such petty matter!"
"Ano pang alam mo dun sa balita?"
"Pero syempre kung may nangangailangan ng tulong eh I shall provide it! Bale ganito raw yung balita: Nakita ka nga nila daw- alam mo meron ka atang mga vids eh, ikaw ba yon? Nakita ko yung iba at parang ikaw nga yon. May pinapasok kang lalake tapos ewan na."
"Ay ano ka ba naman, kaibigan lang yon!" Medyo kinabahan na ako dun sa sinabi ko ah.
"Kasali pa nga sa vid na sinabi mo boyfriend mo raw-"
"BOYFRIEND?! AKO?! Nonsense! Ah hahaha! Wala akong boyfriend! Ako ay majestically single! Wala! Kung sino man yon, hindi yun boyfriend ko hehehehe... lintek na namimiss ko na sya kaaga-HINDI Ko sya boyfriend noh! MGA TAO TALAGA NAGPAPANIWALA NALANG PALAGI HAHAHAHAHA!"
Whew! Para namang may boyfriend ako noh! Meron ata akong kakaibang standards para sa isang Half-French beau-
"Ate Guin... mukha ka lang dyan nagde-deny na rin eh..."
Napaharap nalang ako kay Daryl na parang tinititigan lang ako ng blangko habang nakataas din yung kaliwang kilay nya.
"Punasan mo muna yang pawis mo sa noo, ang OA mo na... may nangyare siguro nitong weekends no?"
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...