-Day 49, Wednesday, March 5-
"Uh hey Thunder uh... ano kasi eh... ano-uh..." Nangangatog akong nakatayo dito sa harap ng condo ko habang tinatawagan si Thunder. Wala naman sigurong tao na pinagmamasdan ako ngayon no? Baka tingin nila sakin eh high on drugs-
"Oh napatawag ka? Tungkol ba 'to dun sa away nyo ni Celine nung Sunday...? Kasi kung yun yon eh sinabi na sakin ni Arturo yon."
"Hinde eh... Since Monday pa hindi ako kinakausap ni Kendo... galit ba sya sakin...?"
Tiningnan ko yung mga tao at baka talaga pinanghihinalaan na nila ako eh... ewan ko... magmumukha lang talaga akong tanga rito kaya sinabihan ko muna si Thunder na mag-hold muna sakin sandali at papasok muna ako pabalik sa kwarto ko.
Akala ko eh early morning breeze eh makakatulong sa nerves ko dito sa usapan na gagawin ko pero wala lang din pala at baka nagmumukha lang talaga kong tanga dun.
"Uh hey... andito na ako... tuloy na natin...?"
"Woah hey! Parang nangangatog ka dyan ah! Gaano ba kalala 'tong problema na 'to? Hindi pa talaga kayo nag-uusap ni Arturo?"
"Ano na bang nangyare kay Celine?"
"Ah-ano... pwede ba bawas-bawasan mo muna yang kaba mo? Aatakihin ka nyan eh..."
"Ano na bang nangyare kay Celine...?"
"Si Celine eh nagco-consider na magpa-opera... Wag ka mag-alala, wala kang ginawang male... all is well dito."
"...Ako ba yung dahilan kung bakit nagco-consider na sila...?"
"Partly yes... since ayaw mo nga tigilan eh..."
"AH SORRY TALAGA! HINDI KO SINASA-"
"WHOOPS! TIGIL MUNA..."
Bigla akong nahinto... Bigla akong napalingon sa pinto at baka may nagmamasid na sakin... sana-hindi-malala, sanahindimalala, SANA HINDI MALALA!
"Wag ka sakin mag-sorry... mukha ngang mas matangkad ako kay Celine, pero mas matanda sya sakin, at sorry nalang pero hindi ako marunong mag-handle nyang mga yan. Alam kong partly dahil sayo kaya nagka-ganito yung kapatid ko pero... kita mo hindi naman kita tinawagan kaagad nung nalaman ko pagbalik ko paghatid sayo?"
"Uh-eh-ano kasi eh-ano- uh... pwede ba sabihin mo na sakin yung nangyare sa ate mo...?"
"Ah si Celine nga magpapa-opera na... pero natatakot nga sa sched... sabi nga kasi ni Doc Ludwig eh para daw matanggal na yung mga komplikasyon na pwedeng mangyare sa hinaharap eh opera na... Pero takot nga... Umiiyak sya nung pinuntahan ko sila habang nagre-ready na ng sched... Panay sisi sayo... kung hindi ka lang daw dumating nung weekends eh."
"Uh-eh-sorry talaga! Hindi ko nga sinasadya yun eh! Ang balak ko lang naman eh pagsamahin na sila! Wala lang yon! Katuwaan lang!"
"Uh huh, at yung plano mo eh nadamay pa nga sya, na dapat kasi iniwanan mo nalang."
"Magkano ba?! Ako magbabayad lahat nun!"
"Wag na, covered ko na yon... Pero hanggang don nalang talaga alam ko eh. Dapat talaga si Arturo yung kausap mo hinde ako..."
"Hinde! Wag sa kanya! Malamang nagalit din sakin yon! Sayo nalang! Sabihin mo sakin kung anong nangyare!"
"Wala naman syang sinabi tungkol sayo eh, pero si Celine talaga... galit na galit talaga sayo... Hindi na kita pwedeng ihatid dito... Pero pwede ko pa rin dalin dyan si Arturo... kung sakaling hindi sya galit sayo."
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)