Chapter 80 - Visiting Pinagpala [Part 3]

2 0 0
                                    

-Day 45, Saturday, March 1-


Kinawayan ko na habang naglalakad na si Lyn palayo, habang nakayuko at dala-dala yung damit na bigay ko sa kanya.

"Alam mo marami pa akong green na damit dito galing Marder3, bigay mo nalang sa kanya mamaya?"

"Ah sige..."

"Ano meron? Ba't ganun sagot mo sakin?"

"Wala lang, inistorbo mo yung hang-out session namin eh, andami na nga nung discussiong nangyayare eh!"

"Dapat kasi ginawa nyo nalang na make-out session," lumakad ako dun sa campfire at pinulot yung malaking jacket na nakapatong nalang sa lupa, "sandali suot ko nga lang 'to for a sec..."

"Istorbo ka talaga, alam mo ba yon?" Sabi nya sakin habang malamang na pinapanood nalang ako habang sinusubukang kong isuot 'tong gahiganteng jacket na suot nila kanina.

Nung nalaman kong nagmumukha lang akong tanga rito sa ginagawa ko eh kwinestyon ko nalang sya, "what's up?"

"Hinay-hinay kalang kay Lyn, kakagaling lang nun sa sakit, alam mo ba yon?"

"Ay oo nga pala ano? Ano nga pala ulit yon?"

"Reduced Ejection Fraction."

"Sheesh, fraction talaga eh no? Sabi na nga ba eh kapag math eh talagang deadly eh, hehe..."

Aaaaand finally nasuot ko na yung XXL jacket... sobrang laki nga lang.... unless 'to ay specially designed para magkasya ang dalawang tao.

"Anyways, bakit ka nga pala kasi nandito eh? Merong something fishy na nagaganap dito ah... Either way, I'm not counting on it."

"Ano kamo...?"

"Walang bumubisita sakin unless wala silang kailangan sakin, may ipapagawa ka ba?"

Bale sa tono ng boses nya eh... tunog normal lang ulit at parang tunog na nagtatanong lang talaga sya.

"I guess hindi na ulit kasama si Lyn at yung kapatid mo dun sa sinabi mo, am I correct?"

"Hindi ko na kailangan sabihin yon," lumapit sya sakin at naupo sa isang bato sa tapat nung campfire, "ano bang ipapagawa eh? Kapag may time pa, eh di gawin na natin right here right now."

Umpo na rin ako sa tapat lang nya across the campfire sa isang malaking bato rin, "hindi ba sumagi dyan sa isip mo na gusto lang kitang bisitahin?"

"Hinde, spit it out na kasi, ano bang ipapagawa?"

"Wala... can't you see dala ko pa nga 'tong bagahe ko oh! Meron pa nga akong regalo sa inyo eh, ano bang hindi kapani-paniwala don?!"

"Ewan... nakakapagtaka lang... Nabalitaan mo na ba yung nationwide campaign na 'Get Well Soon!' para kay Lyn? May kinalaman ba yan?"

"Anong 'Get Well Soon!' ba yon? Meron ba? Sandali tingin ko muna sa phone ko," tumayo ako sandali at hinatak papunta kay Kendo yung maleta, "help yourself muna dyan sa mga dala ko sa inyo habang titingnan ko muna yung post na yun, FB yun diba?"

"Uh huh..." Sagot ni Kendo sabay halukay nug maleta ko.

At ako nagsimula namang halukayin yung FB page nila until nadaanan ko nga yung isang group na 'Get Well Soon!'

Bakit nga pala kailangan pang gumawa ng isang bagong group sa FB 'tong mga 'to eh hindi ko na alam.

At tingnan mo nga naman, ika nga parang yung sa mga sikat na artista, may mga pics ng fruit baskets, fruit baskets... at iba pang mga fruit baskets for donation... why the hell puro fruit baskets lang? Wala na bang iba-

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon