Chapter 119 - A Series of Events [Part 2]

2 0 0
                                    

-Day 196, Monday, July 29- 


Sheesh, sobrang physical naman nung magulang nina Ate Walter...

Kasali sila dun sa BBQ fest tapos grabe naman ang pagkakadikit! Ay sus naman! Parang nagda-date palang ah. Baka nga siguro sa kanila nakuha ni Ate Walter yung pag-uugali nya... kung biological daughter sya, that is.

Kaunting bati, kaunting pleasantries at nilampasan ko na sila. Oras na para ibigay itong envelope na ito once and for all.

May nadaanan akong ibang mga crew... nagsasabi sila daw yung mga background characters, props, at even yung doppelganger ko nakita ko rin. Bigla kong naalala sina Laurie noon. Hindi ko naman na maalala yung mukha nya eh.

Eh hindi naman na nya ako tinatawag eh, kung naaalala pa nya yung mukha ko.

"Alam nyo po ba kung nasaan si Josh Aparador?" tanong ko sa isang batch ng crew na nagtitipon dito sa isang parte imbes na sumama sa BBQ party nung the rest of the gang.

Sumagot naman sila at tinuro nila yung daan, pero wala naman sya don.

Tanong pa ulit sa ibang crew naman. At nung pinuntahan ko eh wala pa rin dun.

Yung iba? Ganun din ang resulta. Nawawala na si Josh.

Pero nung tiningnan ko yung logbook nila, eh lagi naman syang present. In fact, nakikita ko nga sya sa paligid kelan lang eh kaya lang busy ako noon sa pag-isip kung magugustuhan ba ni Kendo yung damit ko... na not even once eh sinabi nyang maganda yung damit ko kahit puro cleavage na. Yung lalakeng yun talaga, hindi ko alam ang taste.

Siguro utak lang talaga gusto non eh. Kahit si Lyn eh naging utak lang sa garapon eh magugustuhan pa rin nya eh... Pero sabi nya nadidis-

Cool down ka lang G.A. at hindi si Kendo ang goal mo ngayon.

Tanong pa more? At meron nanaman silang sinabi na lugar na pinuntahan ko ulit.

At this time, nakita ko sila...

Dalawa sila... Halos 6pm na pero nahahalata ko na meron syang kalarong babae in this side of the beach. Girlfriend nya? Bakit ang weird ng lakad-

Oh! Yung ate nya kaya? Si Magandang Babae?

Sinigurado kong hindi ako kita habang papalapit ako sa posibleng magkapatid na nagpapasahan ng bola dito sa beach.

Nung nakakalapit na ako eh na-confirm ko na, na yung ate nga nya 'to, judging by sa kanyang strange way of walking, passing, at any other activity.

Lumapit pa ako ng lumapit hanggang sa nasa absolute distance na ako at hindi na nila kayang tumakas in case lang na nakita nila ako. I dunno kung alam ba ni Magandang Babae 'to.

"Hey guys!" Inintroduce ko na yung sarili ko sa kanila galing sa pinagtataguan ko at nakita kong nagulat silang dalawa sa'kin.

"Napansin ko lang naman na iniiwasan mo ako ah, nabalitaan mo na ata..." sabi ko ulit sa kanilang dalawa.

"Oo nga, sabi may letter ka raw galing sa kanya at ayaw na naming makita yon," sagot sa'kin ni Josh sabay pasa ng bola sa ate nya.

Masyadong seryoso yung setting at nagbiro muna ako para naman ma-defuse. "O kamusta na nga pala yung official headwriter nung Bayani sa Silangan eh?" Nilapitan ko si ... hindi ko man lang kilala itong si Magandang Babae, I mean yung tunay na pangalan nya.

Alam kong parang mascot lang sya pero sya talaga yung credited dun sa credits every episode ng Bayani eh, kaya I think?

"Nandito ka para ibigay yang letter no?" tanong sa'kin ni Josh.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon