"Wake up fatty! It's 1:35 on yo' stinkin' watch!" Lumapit si Kyle kay Lesley at hinagisan ng lata.
"I still need my beauty sleep, watch it, will ya?" Tinalikuran lang sya nung babae, "now go bother someone else."
Magsasalita pa lang si Kyle nang bigla na ring may nagsi-pasukan na mga tao dito sa loob.
"Yung oras pala e 1:35 pm, nag-update ata sila ng hindi sinasabi," napasabi si Nero sabay tingin sa relo nya, "1:35 nga."
"Hindi takot yung lalake na yun kay Lesley? Aba'y mukhang kayang kaya syang buhatin a. Mas bansot pa ata sya sayo e," sabi ko sa katabi ko at tinuro si Kyle na ayaw pa rin tumigil sa pang-aasar.
"'Yang dalawang 'yan ayaw talaga tumigil, 'wag mo na ring pansinin," tumingin si Nero kay Ilana at nagsenyas na aalis na sila, "o sige, alis na kami."
Umalis na sila at ngayon ko lang napansin na halos kasing tangkad ko pala si Ilana, akala ko abot leeg lang nya ako.
Napatingin rin ako kina Lesley at nakita ko si Kyle dino-drawingan sya ng icing ng cake mukha.
Hindi ko na pinansin kung saan nya nakuha yon, baka sila lang talaga.
Tapos napa-isip ulit ako.
Si Lesley kaya ulit mag-aannounce ngayon?
Tumayo na ako sa inuupuan ko at sumama dun sa mga namumukhaan kong galing din Leoncello - parang wala ata akong namumukhaan ngayon ah.
Tumabi ako sa kanila pero hindi na ako kumibo. Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung parehong limang lalake na pumunta sa Emtree Lee's kaninang 10 o'clock ng umaga.
Pasok silang lahat?
Maya-maya pa ay mayroon nang isang matangkad na lalake, yung pinag-initan ni Lesley kanina bago kami palabasin, na may dalang isang... hindi ko maintindihan.
Para bang yung ginagamit ng mga pintor sa mga gawa nila, yung kung saan magpa-painting. Painting canvas ata yon?
Nilatag na nya yung gamit nya at ngayon ko lang napansin na isa pala iyung whiteboard.
Naalala ko yung mga papel na naka-paskil sa mga pintuan ng mga audition rooms, yung mga papel na hawak nina Lesley at Nero kanina, tapos ngayon whiteboard? Para sa isang multi-billionaire, parang ang cheap ata ni Thunder ah.
Hinanda na nya yung whiteboard marker nya nang mapatingin sya sa likod, "ate... what would it be?"
Ate...? Sinong ate yung tinawag nya?
Tumalikod ako at nakita ko nanaman yung napakatangkad na babae galing din Emtree Lee's na sinabihan ni Xyra ng peke. Sya ata yung sinabi ni Nero na ate ni Bronze?
Tinapik nung napaka-tangkad na babae yung lalaking katabi nya na nagsabi nang, "Ako si Parisukat!"
Mukhang atat na atat 'tong lalakeng 'to a.
"Seriously...? Volunteer ka na prop...?" Takang tanong ni Bronze sa kanya.
Marunong pala mag-tagalog itong lalaking A.S. na ito sa harap.
"Ate, can you please get down here and stop smushing your neighbors?"
"Okaaay!" Tumayo na yung A.S. na babae sa likod at naglakad papunta sa harap namin kasama nung lalake.
'Balang araw... magpa-paretoke din ako at magiging katulad din nito katawan ko... May pag-asa pa...'
Pansin ko rin yung mga lalaking katabi ko e iba ang titig sa kanya.
"Seriously, you made the guy pick a prop-" sabi nya dun sa 'kuya' nya. Ni hindi nga sila mag-kamukha.
"Okay lang yon, Bronze!" Sagot nung lalaking sumagot na sya ang gaganap na Parisukat.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)