-Day 10, Saturday, January 25-
Nagising ulit ako ng maaga, mula talaga nung napunta kami dito e lagi nang nangyayare yon. Malambot nga yung higaan dito sa trailer van at marami akong kasama pero... ewan ko na, lagi na akong nagigising ng maaga.
Naghilamos na ako kaagad at nagbihis para lumabas muna.
Napansin ko yung autograph ni Ryan sa palad ko, halos nabura na talaga, sayang naman. Bakit pa kasi glitter pen lang ang ginamit.
Halos 5:30am na at kung meron mang mga tao sa labas e yung mga trabahador pa lang.
Hmmm... I wonder kung anong gagawin namin ngayon, pupunta daw kami sa kabila? Yung set ng Bayani sa Silangan.
"Hi!" May narinig akong mataas na boses ng babae sa bandang kanan ko, pero hindi kaboses nina Ate Walter o Ilana.
Napatingin ako sa direksyon ng tunog at nakita ko ang isang babae na naka-jacket din.
Ang kinaiba lang e sobrang balot nya at naka-bonnet din.
"Ate naman, mukha ka namang terorista dyan sa damit mo!" Medyo gulat na komento ko sa kanya, "nakakatakot naman."
"Hi! Ikaw si Jen. A. diba?"
Nanlaki yung mata ko sa alam nya, pero hindi ko na kwinestyon, "ako nga, bakit?"
"Ako nga pala ang magiging bestfriend mo mula ngayon!" Sabi nya sakin, "kung saan pwede mong sabihin lahat ng mga problema mo sa mga boys!"
"Hmmm... Magaling ang ginawa mo, nice try, akala mo mauuto ako dyan a? Kahit binago mo boses mo e kilala pa rin kita!" Malakas na sabi ko sabay hablot sa bonnet nung babae, at sa takip nya sa bibig. Nag-eexpect ako ng isang pony-tail at matambok na mga pisngi.
Pero nagkamali ako, base sa hitsura nya e isa lang din naman syang regular na artistang napili rito.
Akala ko talaga si Ilana eh...
"Alam ko problema mo! Wala ka pang boyfriend! No boyfriend ka since birth!"
Tinaasan ko sya ng kilay, "o eno naman ngayon?"
"Ako nga pala si Laurie, ang magiging guide mo dito to self improvement!"
Naalala ko yung role ko kahapon at yung mga weird na nagaganap at baka nananaginip lang ulit ako, "imposibleng totoo 'to..."
"Dyan ka nagkakamali ate! Dahil totoong totoo talaga 'to! Ganyang ang ugali mo dahil wala ka pang boyfriend!"
"Okaaaaayyy... o sige nga, paano naman nangyare yon? Mula noong inere ako nung nanay ko sa France e wala naman talaga akong naging problema pagdating ko rito."
"Hindee..."
Mukhang hindi talaga nya pinansin na nasakin pa rin yung bonnet nya at nagpatuloy pa rin sa mga sinasabi nya tungkol sa wala akong boyfriend.
"Pero may nakita ka na sigurong mga hot-bods dito sa set diba????"
Ang OA naman nitong babaeng 'to.
Maya-maya pa e may nakita naman akong isang lalake naman ang paparating, ka-edad ko rin at in-assume ko na rin na isa sa mga napili.
"Di ba sabi ko, 'wag ka muna uminom dun sa unprepared coffee sa stand?" Sabi nung lalake dun sa babae dito nung napatingin sya sakin, "ikaw si G.A. diba?
"Er ako nga, sino ba yan?" Tanong ko sa kanya.
"Ito nga pala yung pinsan kong si Laurie, na may tendency na hindi makinig sa mga sinasabi nya. Sorry nalang talaga ha? Kapag nahahyper 'to e puro lalake pinag-uusapan, puro Wattpad kasi binabasa eh. Hehehe."
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Fiksi Remaja[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...