Chapter 67 - APT Studios [Part 2]

2 0 0
                                    

-Day 39, Sunday, February 23-


Medyo nahilo lang ako sandali, nasaan na ba ako ngayon? Oh wait, nandito pa rin pala sa harap ng milyon-milyon na mga tao, TV included.

Napansin ko yung bakla kanina, ah sya pala yung spokesperson... Sumasakit ulo ko, wait lang at-

"Ladies ang gentlemen, let's welcome ang SHINING STAR NG BT-7!!!"

Wow... malakas na palakpakan-

May naramdaman akong medyo malakas na palo sa pwet ko, "sino yon?!"

"Nananaginip ka na, G.A., gising ka na, gusto ka nila oh!" Malakas na sabi sakin ni Daryl pero parang hindi ko pa rin sya maintindihan sa lakas ng mga hiyaw ng mga tao sa paligid.

Wait ako ba talaga yon?! Ang Shining Star ng BT-7?! Kelan pa?! How?! What?! Where?! Whe-

Biglang may isang babaeng mukhang artista na may dalang mic na nag-ready akong interviewhin.

"Ate G.A.! Kamusta ka na sa BT-7??"

"Uh- Good! Okay na okay lang, feel na feel ko talaga ang pagbabalik ko rito!" Sagot ko. Buti naman nawala na yung pagkahilo ko due to absolute fame! Sobrang convenient!

"At sino naman dito sa dalawang nag-gwagwapuhang lalake ang lead mo?"

"Hinding-hindi ko sasabihin yan, bahala na kayo sa iisipin nyo! It's up to your imagination! Malay mo silang dalawa pa nga eh! Hahaha!"

Namangha nalang ako sa sarili ko sa bilis kong magsabi ng mga stock answers sa mga interview na 'to ah.

"Abang-abang nalang sa darating na Enchantine 2 this Tuesday!" Dagdag ni Miggy.

Umusod yung interviewer kay Daryl, "aba'y ikaw na ba yung prodigal son? Kay tagal mong hinintay para lang dito ah! How are you?"

"Ang masasabi ko lang dyan eh maraming bagay ang mga naiissip ko ngayon this instant at hindi ko kayang i-explain sayo ngayon!"

"Kamusta naman mama mo?"

Eeksena na sana ako at ico-correct ko yung sinabi nya as 'Mommy' kaya lang pinalo nalang ako Daryl sa kamay.

"Hey hinay-hinay lang sa lovemaking nyo, wag nyo kaming i-spoil!"

Napangisi nalang ako kay Daryl at sinimangutan nya ako. 'Tong interviewer talaga sa tingin eh puro landian lang talaga nagaganap? Ni hindi nga lang namin plinano 'to eh.

"Oh ano Ate G.A.? Sasabihin mo na ba samin kung bakit ka lumipat na samin?"

Sasagot pa lang sana ako nung mar narinig akong pamilyar na boses, "I think I'll take it from here..."

Aba! Si Thunder pala! Sandali na kamustahin ko nga sya-woah...

Dear Merciful God, I thank thee for thy bounty laid upon my eyes this very day this very instant... I never thought all this time si Thunder kumakanta ng topless... No wonder anlakas ng mga hiyawan...

Aba'y kumikinang din yung pawis nya! Ay sus! At halos katabi na nya ako ngayon! Alam kong nagtitingin ako ng mga shirtless pics nya sa FB pero ibang-iba talaga kapag in-person na... woah...

Ito ang pinaka well-defined abs na naramdaman ko sa buong buhay ko-

Sandali at parang tutulo ata laway ko. Hindi ko na nalaman na nakabukas pala bibig ko ngayon lang.

Bakit nga pala naging sobrang tahimik na? What's going on-

"PAA NG KALABAW?! ANONG GINAWA KO?!"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon