-Day 7, Friday, January 22-
Nagising nalang ako bigla sa higaan ko.
Sa sobrang excited kong magsimula e kaunting oras pa lang ako nakakatulog... O hindi ko nalang napansin. Masarap nga ang higa ko dito sa trailer pero parang merong kulang pa rin talaga.
Tumingin ako sa orasan, anong oras na ba?
5 am, hindi naman na pala malayo.
Bumaba ako sa higaan ko, na pinakababa sa hilera ng mga higaan dito sa isa sa mga mobile homes ni Thunder. Hindi ko na binuksan yung ilaw at baka magising pa yung iba, halos labindalawa ata kami dito. Puro babae lahat.
Sumilip ako sa bintana at may nakita akong dalawang nakatayo sa bandang malayo.
Tiningnan ko sila mabuti at nakita ko yung weird naming screenwriter kasama nung kapatid nya sa labas.
Iniwan ko na sila at sumilip naman sa kabilang parte.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko at pumunta muna ako sa banyo para mag-hilamos at bumalik ulit sa kabilang bintana.
Isang mala-village na setting sa disyerto? Ito na kaya yung setting?!
Napanood ko yung original na palabas na source material nito at yung desert village nila e sobrang liit. Mga limang prop na bahay lang ata, isang watchtower, at bakod.
Magkano kaya ang budget dito?
Nagmadali akong nagbihis at lumabas na.
Siguro umandar yung mobile homes namin kagabi. Yun na rin ata yung nagpatulog sa akin.
Dahan-dahan akong lumabas at baka marinig pa ako ni Backstage Weirdo at may narinig akong dalawang lalaking nag-uusap din dito.
Patay... sana 'wag sila...
"Gee, it's cold..."
Nahalata ko yung boses at hindi sya yun, buti naman. Pero sino kaya 'to?
"That's why I'm wearing mittens-"
"You don't get to wear mittens! Take it off! You're embarrassing me!"
Dahan-dahan akong nag-sneak sa pinanggalingan nung boses at nakita ko sina Thunder at Bronze may inaayos na gulong sa isang normal na kotse.
"You got lady's hands..."
"You know they're soft but they're lethal weapons, see?"
Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap nila.
Sinubukan ko nang umalis at baka makita pa nila ako-.
"You got your mother's hands-
May naapakan akong tuyong dahon.
Patay... kung hindi yung weirdo, dalawang foreigner naman...
Nagmadali akong kumaripas ng takbo pabalik sa mobile home ko.
Binuksan ko yung pinto at malakas na sinara yung pinto. Sa wakas!
"The heck was that?!" Rinig kong sabi ng isang babaeng boses na hindi ako pamilyar. Nagtingin ako sa paligid at nakita kong hindi pala 'to yung mobile home ko kaya nagmadali na rin akong lumabas. Paano pa ba ako nagkamali?! Magkakadikit na nga lang sila eh!
Pero may humatak na tela sa paa ko at bumagsak ako sa sahig dere-deretso sa buhangin sa baba.
"I caught it! I caught a baddie!"
Nakita ko yung 'bata' na may diperensya sa ulo.
Sa lahat ng mga huhuli sakin, sya pa talaga.
Umupo na ako, sa bagsak ko e parang nagliliwanag pa yung mata nitong batang 'to. Parang swirly-eyed psychic... thingy...
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...