Chapter 4 - The Interview

53 0 0
                                        

Maraming nagbulungan.

"Seryoso ba sila?" Bulong sa akin ni Chelsea.

"Sabi nung isa dyan na hindi raw sasali," sagot ko naman sa kanya. Magpapatuloy pa sana ako nang bigla nang nagsalita si Nero.

"Alam ko napatanong kayo, pero sila yung screenwriter at sila ang masusunod. Si Thunder naman nagfund nitong project na 'to e," tumalikod sya at nag-senyas sa aming lahat na sumunod sa kanya, "lina kayo rito sa audition room."

Sinundan na namin sya pataas ng hagdan kung saan sya nanggaling kanina. Nagpatuloy ang usapan namin ni Chel habang paakyat na kami.

Mataas pala yung pinanggalingan ni Nero at halos nakakapagod na rin. Bakit ba kasi hindi nalang nag elevator? Tinanong ko rin si Chel tungkol doon.

"Ano naman sa tingin mo? Tayong lahat sa iisang elevator?" Sagot nya sa akin.

"E di grupo grupo lang!"

"E di inabot naman tayo ng ilang oras kung ganon. Hindi ko na talaga alam kung bakit ka pa nasama sa Barkadas noon."

"Yun ay dahil isa akong magaling na artista! Sigurado akong mamamangha sila sa galing kong umarte!"

"Surprise me nalang kung ganon."

Maya maya pa ay nakarating na kami sa isang kwarto na may nakasulat na 'Auditions Leoncello' sa papel na para bang dinikit lang sa pinto.

Pinapasok na kaming lahat ni Nero habang sya ay naupo na sa mesa sa harap namin.

Sabay sabay ba kaming aarte lahat? Parang kinakabahan na ako a.

"Yung kwarto sobrang simple lang ano? Para sa isang multi-billionaire e nagiging cheap na ata si Thunder sa bagay bagay dito. Baka may girlfriend na," sabi ni Nero sa amin.

Maraming nagulat pero madali namang sumagot kaagad yung A.S. na kasama namin sa kwarto, "Joke lang naman pero... Hindi na ako magtataka kung andaming nang babae nyan."

"Totoo ba talaga yan?" Tanong ng isang alalang-alalang babae sa kanya.

"Aba'y hindi ko alam syempre, alam nyo naman kung ano ang mga sobrang yaman na diba?"

"Bakit nga ba hindi sya isang A.S.?" Ako naman nagtanong sa kanya.

"Sya na nagbuo sa aming lahat. Bakit nya hindi rin binigyan yung sarili nya ng A.S. na title e ewan ko na," pinindot ni Nero yung pindutan sa gilid ng kanyang headset bago lumingon sa aming lahat.

"Okay, online na tayong lahat. Konektado na tayo sa screenwriters namin pero intay lang muna sandali. Apat na studio rito sabay sabay nag au-audition e."

"Apat? Di ba po kami lang?" Tanong ng isang babae ulit.

"Kayo lang? Sino nagsabi- wait lang," pinindot ni Nero muli yung pindutan sa headset nya pero ngayon tinagalan nya habang nagsalita, "Sino nanaman ba yung pinadala sa Leoncello ngayon?"

Nag-abang lang sya ng sandali bago lumingon na muli sa amin.

"Niloloko nanaman kayo nina Thunder at Scott e, sa totoo lang e apat na studios kayong maglalaban dito. Mayroong mga sampu ata na bakanteng pwesto at may kukunin sa bawat studio. Dito tayo sa bandang kanan ng building para sa Leoncello. Yung mga makakalaban nya ata yung ano... Independent, T35 Cinemas, pati Ro-Go na mga acting workshop din."

Medyo alam ko yung Independent na sinabi nya, nakatrabaho ko na yung iba sa kanila sa Barkadas.

"Anlalayo nila 'no? Buti nga kayo e dito lang kayo," sinabi nya sa amin bago i-check muli yung headset nya.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon