Chapter 101 - Upcoming Additions

1 0 0
                                    

-Day 81, Friday, April 6- 


Aaaahhh this is the life! Naka-upo dito sa director's chair ko matapos ang isang successful taping, may dala pang orange juice, tapos may isa pang industrial electric fan na naka-tutuok lang sakin ay sus! Note to self, dapat siguro sa tapat nalang ako ng aircon tumambay next time.

"Good job guys!" sabi ko sa mga crew na dumaan sa upuan ko.

Napatingin ako sa kanan ko at si Daryl nandun nanaman, parang tinatamad lang na nakatingin sa set.

"Ano nanaman ba yun?" tanong ko sa kanya. Baka kailangan din nya ng support?

"Namimiss ko na yung yaya ko."

Maghalong tawa at 'Awww' ang biglang lumabas sa ulo ko, pero si Daryl 'to eh, what can I say?

"Bisitahin kaya naten noh? Kelan kaya tayo free this month? Bakit nga pala wala sya rito?"

"Day off yung maraming katulong namin nung pumunta ako rito eh, kaya wala talaga choice kundi maiwan. Balik naman na lahat ngayon kaya... ewan...?"

"Makakarating din tayo dyan, don'cha worry. Ba't hindi na natin sunduin na now na diba?"

Tinapik ko nalang sya sa likod ng ilang beses bago sya tumayo nalang at umalis na. Hindi man lang nya sinagot yung sinabi ko.

Ah ewan, he'll get used to it.

So sabagay na pahinga pa lang din naman ako rito eh why not tumingin muna sa resulta nung mga professional modelling shoots ko kaninang umaga?

Ah syempre tingin muna sa FB 'pag may time, check out ko nga yung mga newfound fanboys ko, grabe anlaki talaga ng pinagbago nung mga enhancements ko!

Page after page ng FB ko eh filled nung mga older pics ko, na marami-rami yung mga likes pero ibang-iba talaga sa mga new generation pics ko. Bakit ko naman pa ide-deny? Eh talaga namang nagpalaki ako at kitang-kita naman sa mga pics. Kaya wala nang panama sakin yung mga bashers na yun!

Nag-scroll down na ako sa FB page ko at yung pinaka-una kong professional photo shoot kaninang umaga, syempre nilagay ko isa lang para meron akong content at all times.

Well dear god mala-dyosa ang appearance ko rito! And check out those comments!

Wait... what is this?

'Finally naglagay ka na ng water balloons down there... eh hehehehe...'

Aaaahhh makakatikim sakin 'tong mokong na 'to mamaya aaahhh...

Pero wala na akong time sa mga ganitong maliliit na bagay, kung meron namang malalaking improvements na nangyayare ngayon-ngayon lang, tulad nitong ego food na nandito lang sa harap ko! Yeah! Magsabi lang kayo ng good stuff sa bago kong figure!

"Masyado ka na ata dyan sa ginagawa mo ah."

Wait what? Sino nagsabi non- ah si Ellie lang pala. "Ano meron?"

"Wala lang, pinapatawag ka nga pala ni Mrs. Aparador para dun sa dalawang recommendations mo rito sa studio."

"Well it's about time!"

Tatayo na sana ako nung may narinig akong pamilyar na boses galing sa isang maliit na TV dito sa studio. Nagsenyas ako kay Ellie na mag-abang lang sya habang susubukan kong lumapit para makita ko yung iniiisip kong lilitaw dun sa screen.

"Stay confident, stay poised, stay classy. For smoother and silkier hair..."

What?!

What the heck?!

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon