-Day 49, Wednesday, March 5-
Wait nga laaang... Kung meron akong isang babaeng kasama rito na may pake talaga sa istorya ng Enchantine 2 eh baka may mga ibang tao rin! There's gotta be, hindi naman siguro puro mga babae't bakla lang dito sa studio na puro landian lang ang alam diba?
"Dan, may alam ka ba sa writing team ng Enchantine 1?" tanong ko sa kasama ko habang naglalakad kami down the hall.
"Hindi ko naman talaga alam eh, at mukhang parang sinulat lang sya ng isang tao, at sa tingin ko eh si Mrs. Aparador lang ang mag-isang nagsulat ng buong Enchantine 1 eh."
"Wala ka na talaga alam?"
"Kita mo? Parang minadali lang. Alam mo ba yung istorya kung bakit may portal sa human world yung Enchantine 1?"
"Hinde, bakit? May kinalaman ba yan sa sinasabi mo?"
"Hinde, wala naman talaga pero makikita mo na parang hindi na pinag-isipan pa. Once upon a time, meron isang character na nahuli nyang may kabit yung asawa nya, kaya pumunta sya sa isang malaking puno sa gitna ng gubat at nilagyan yon ng curse therefore portal sa tao... na-gets mo ba...?"
"Ano namang kinalaman nung curse sa kabit na napunta sa mundo ng tao...?"
"Wala... yun nga sinasabi ko diba. Pero malay mo rin, tanong mo kaya-"
"Kay Mrs. Aparador kung nasan na yung original writing team nya nung Enchantine 1?"
"Yeah," lumingon si Dan sa isang corridor, "O sya, hanggang dito nalang ako, may trabaho pa eh."
"Ah sige, pwede pahingi nung number mo? Para just in case lang na may ideas ka pa eh tatawagan kita?"
"Ang ibig mo bang sabihin eh mapupunta yung ideas ko sa big screen?! Aba syempre naman! Mabuti naman at nakilala kita! We're all on this together!" tuwang sabi nya habang binigay ko sa kanya yung phone ko at mabilis naman nyang nilagyan ng number nya.
"O sige, kita nalang tayo mamaya!" kaway ko sa kanya nung umalis na sya.
Okay... so may kasama na akong may pake rin sa istorya, siguro naman eh magiging proud na sakin ulit si Kendo at ituloy na yung plano. Sana naman walang nangyare nang masama kay Lyn, wala naman talagang sinabi sakin si Thunder eh... or kung talagang maaasahan ko naman sya eh.
Naglakad na ako patungo sa elevator papunta sa room ni Mrs. Aparador.
Bago pa man sumara yung pinto eh napa-isip lang ako, ano na kayang nangyari kina Migs? Wala pa akong balita sa kanila ah... Si Daryl... Si Ellie... Ni kahit nga si Sir Japanese Model wala talaga eh.
Naka-abot na ako sa floor na pupuntahan ko, oh well. Saka nalang siguro mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay na yun at gawin muna ang kailangan, I guess.
Naglakad na ako patungo sa room ni headwriter. Sana naman nandito sya-
Aba! May naririnig akong usapan na galing sa loob! At tunog nag-uusap sila ng mga bakla! I wonder kung anong plano na yung pinag-uusapan nila? Nag-text naman na ako kanina pa na ayaw ulit ni kuya yung gawa nila eh.
I sure do hope na meron silang improvement, ano naman kaya ang plano nila ngayon?
Dahan-dahan akong nag-sneak hanggang sa naka-dikit na yung tainga ko sa pintuan nila.
Okay... ano kayang-
"Alam nyo mga inday, sa tingin ko gusto nya aketch! Hihihihi!"
...
Hindi si Pochi yon... and sure as hell hindi sila nagpaplano.
Kumatok ako sa pintuan nila, bigla silang napatigil as if na wala dapat na maka-rinig sa kanilang tsismisan.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Roman pour Adolescents[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...