-Day 350, Thursday, December 31-
"Sabi na sayo dun nalang tayo sa fast food eh... I never thought ganun na kasarap dun sa resto na yun..." sabi ni Kendo pagdating na pagdating namin ulit sa rooftop nung building, I think medyo nadighay pa sya in between nung sinabi nya. "Wala nga akong enough money-"
"Babanat ka nanaman talaga na wala kang pero eh ano? Hello! Nakikipag-date ka sa isang billionaire! Hello! Anyone there?"
"Hmm sabagay ako rin naman nagdala sa'yo dito sa peak of actress-ship kaya masasabi mo na rin na yang milyones mo to come by the following months eh galing lahat sa'kin!"
"Oh, so sinasayang natin yung pera mo ganon?"
"Uhh... I think so... yeah... enjoy ka? Kasi sure as hell babalik ulit tayo dun! Ano nga pala yun ulit?"
"Nope! Hindi ko sasabihin sa'yo at magta-try out pa tayo ng mga iba pang restos out there! Adventurous dapat diba? That's me!"
Naupo na ulit kami dun sa kanina pang upuan namin. Dumarami na yung mga paputok habang lumalalim na yung gabi. Won't be long now at dumaan na ang isang taon. Officially, that is.
Pinatong na ni Kendo yung softdrinks namin sa tabi nya. "Hindi talaga ako kilala nung mga tao, good for them!"
"Akala siguro nila nagda-date tayo eh ano? Siguro marami na akong ginawang news pagbalik na pagbalik ko sa BT-7!"
"Wait... akala nila nagda-date tayo?? Really??? That means hindi pala tayo official at hindi mo ako tuturuan ng kiss! Hahahaha!"
"Hoy manahimik ka dyan ah, inaatat mo lang ako sa grand event natin eh! Nag-iinit na ako rito! Kung hindi ka tumigil dyan eh mamadaliin na kita!"
"Heh... ganda ng view dito ano? Anong oras na ba anyways ah?"
"Ah buti nga..." Kinuha ko yung softdrinks ko, inom sandali, at tingin na sa CP ko. I wonder what time is it-
"8:45 NA?! ANDAMI NANG NASAYANG NA ORAS?! NAGSASAYANG NA TAYO NG ORAS DITO! GIMME MY SMOOCHIES NOW!!!"
"ANO KAMO?!"
Nagmadali akong ipakita yung phone ko sa kanya at kitang-kita naman na gumalaw na yung clock widget ko at 8:46 na.
"Holy paa ng kalabaw! We're wasting too much time! Lika na rito tuturuan na kita!"
"Nah hindi na kailangan. Naisip ko lang naman na pagdidikitan lang natin yung labi natin and then 'Poof!' tapos na! Pero knowing you eh madidilaan mo nanaman yung labi mo kapag turned on ka na eh... like you always do."
"Akoh?"
"Yeah, matagal na panahon na rin naman. Palagi mo ngang ginagawa eh hindi mo man lang alam kung anong ginagawa mo eh!"
"Oh ganon? Eh di so be it!"
"Alright let's do this!"
Nanlaki yung mata ko at bigla nalang akong nanigas sa sinabi nya at kinaliangan ko pang mag-unwind sa mga sinabi nya sa'kin. "What?! For real?! Talaga?!"
"Hey ah! 'Wag maging delirious ah! Natulala ka nanaman dyan, mamaya na nga lang..."
"Ano ba?! Kaunting panahon at aalis ka na! Bakit ba kasi ayaw mo pa? Bakit ba andami mo pang angal dyan?"
"Sabihin nalang natin na hindi talaga ako ganung lalake-"
"Hindi kamo? Eh ikaw nga 'tong lapit ng lapit ng mukha sa'kin noon eh! Tumigil ka nga dyan, we're doing it now!"
Biglang humarap sa'kin yung boyfriend ko at bigla nalang akong nahinto bigla-
"Ayan ka nanaman eh!"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...