-Day 9, Friday, January 24-
"No hard feelings naman siguro eh no?" Tanong ko kay Backstage habang naglalakad kami paalis dun sa training area.
"Basta 'wag mo na siguro ulitin den eh no?" Tumalikod sya at humarap dun kina Ashton at dun sa kapatid nya, "Narinig mo na siguro yung tungkol kay Kylie ano?"
Kylie? Sinong Kylie? Yung bansot lang ang alam kong Kyle dito...? Diba?
"Nah, di na kailangan," mabagal at mahinang sagot ni Ashton.
"Hindi ko alam sayo, pero may natutunan naman siguro tayo doon, diba?"
"..." Hindi sumagot si Ashton.
"Hmmm, o sige, alam ko naman eh..." Mahinang sagot din ni Backstage.
Sino bang Kylie yon? May nagaganap bang hindi ko alam?!
"Okay lang naman, hindi naman din sya pupunta dito. Malayo tayo at may klase pa. Sa bakasyon siguro, baka gusto mo?"
"Hinde," sagot ni Ashton, "'wag na."
"Hmmm... alright then-"
"Aaah! Si Kylie! Yun yung ate mo!" sabi ko sabay turo kay Backstage, "at girlfriend nya dati! NGAYON ALAM KO NA!" Sabi ko ulit sabay turo naman kay Ashton.
Ayun! Nalaman ko rin!
Natahimik silang tatlo sa sinabi ko.
"Hindi nakakatawa, Mari, umayos ka nga dyan. Batukan kita dyan eh," sabi ni Backstage sakin.
"Whoops, sorry," napansin ko na hindi sila papunta dun sa sinabi kong Back2Blizzard na tent dun sa Desert Street.
"Sandali, tanong natin sina Thunder," binilisan ni Backstage yung paglalakad.
"Ey! Hindi ko kayo kayang ilibre lahat noh!"
"Kapag kasama natin yun, sya yung manlilibre sating lahat." Napatingin sya sa relo nya, "may isang oras nalang ata ako rito pero pwede na yan!"
"Point taken, sir Backstage, point taken."
Naka-abot na kami dun sa kotse kung saan pinapunta ni Backstage sina Thunder at yung ate nya.
Nung malapit na kami e bumaba yung tinted na salamin nung kotse sa side nung driver at nakita na namin si Thunder sa loob, na nagce-cellphone lang.
Ngayon ko lang napansin na baka yung 'Winterspring' na apelyido nila e stage name lang. Grabe naman at ilang araw na rin.
"Is it another respect issue?" Tanong ni Thunder kay Backstage.
"Lahat talaga dapat dumaan dun," sagot naman kaagad ni Backstage na para bang ine-expect nanaman nya. Tumingin sya sa akin at tinuro ako, "lika na dyan, libre tayo ni Mari."
Nanlaki yung mata ko dun sa sinabi nya. Di ba narinig nya naman siguro na wala nga akong pera?! Ako ba'y-
"Oh ganun ba? 'Wag na! Ako nalang manlilibre sa inyo! I gotcha all covered!"
Tinaasan ako ng kilay ni Backstage, nahalata nya ata kaagad.
"Oo nga pala, pwede ba dito ka muna? We got important matters to discuss." Nakita kong kinalabit ni Thunder si Backstage sa likod.
"Alright," hinarap kaming tatlo ni Backstage, "narinig nyo sya."
Binuksan na nya yung likod na pinto nung kotse, at nakita ko si Selena sa loob na nasa kabilang dulo at nakababa lang yung ulo.
Sinara na yung pinto at naiwan lang kaming tatlo dito.
Napatingin lang ako dun sa kapatid nyang naka-salamin, "totoo ba na bago lang kayo dito s A.S.?"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...