Chapter 64 - Nightly Discussion [Part 1]

1 0 0
                                    

-Day 38, Saturday, February 22-


Hindi ko na alam pero buti naman naisip na ni Thunder na ibalik sakin yung condo-

Wait nga laaaang... wala naman akong naaalala na binalik sakin ni Thunder yung condo ko, si Kendo kaya? Imposible, wala naman akong sinabi sa kanya about sa condo ko eh.

Siguro kaya? Oh well, at least nabalik sakin yung room ko, pero bakante na eh.

Buti naman nabigyan na ako ng 'living options' ng BT-7, mukhang proud na proud talaga silang nandito na ako sa kanila ah, wierd naman... Iba talaga kapag sikat na.

Wala ako sa mood kumain sa labas ngayong gabi kaya bumili nalang ako ng cup noodles sa labas kanina-nina lang. Gagawin ko naalng mukhang galing gourmet restaurant para feel na feel pa rin.

Nalimutan ko pa nga yung bag ko sa chopper ni Thunder kanina, buti naman nabalik sakin, hehe, kung hinde wala na akong dala ngayon.

Nilagay ko na yung gamit ko sa higaan, nilabas yung kakainin ko at naghanda na ng ingredients.

Naramdaman kong nag-vibrate yung yung CP ko sa bulsa ko, looks like may tumatawag!

'Hey Thundah, kinakamusta mo na ako kaagad? Miss mo na ako ulit?' Ako na nagpauna since nakakahiya naman kay Thunder eh.

'Tatanungin ko lang sana kung nandyan ka na ba sa condo mo?'

'Oo kakauwi ko lang, bakit?'

'Wala lang, nangangamusta lang, just checkin' if things are okay.'

'Aww ang sweet mo naman, nasan ka nga ba ngayon?'

'Nasa hotel,'

'Wait nga lang Thunder, ikaw? Nasa hotel?'

'Marami akong customer ngayong gabi eh, dami kong chicks ngayon, kaya magiging puno yung buong gabi ko ngayon!'

'Kailangan mo talagang ipagmayabang sakin yan eh no? Malaki siguro kikitain mo dyan?'

'Oo marami talaga, pero cut na natin para mabilis na, nag-text sakin si Lyn wag mo raw kalimutan i-message si Arturo ngayong gabi ah,'

'In-fact gagawin ko na nga eh,'

'O sige, out na ako?'

'Wait nga lang, bago ka mag-out, ano nga pala yung binulong sayo ni Ate Lesley dun nung pupunta palang kami ni Ashton sa weapon training namin?'

'Heh, si Thunder 'tong nagsasalita, G.A., binulungan ako ng babaeng hindi related sakin, ano ba sa tingin mo yon eh?'

'Nevermind, o sige out na ako.'

'Okay na, I'm out.'

Prinepare ko muna yung mga gulay ko sa chopping board na bili ko lang din kanina, alam kong kakain lang ako ng cup noodles, eh gusto ko may appeal ng resto kaya eto ako ngayon.

Pagtapos ng ilang minuto ng pagchop-chop ng veggies ko e binuksan ko na yung messenger ko.

Nakita ko yung 'Hi' na pinadala ko kelan lang at naka-tag lang as seen.

Okaaaayyy... Sabi naman nya ako nalang mag-message sa kanya eh kaya...

'Hey, nandito na ako, are you there?'

Medyo nag-abang ako ng ilang minuto bago dumating yung reply.

'Bagal net dito, standby ka lang muna sandali...'

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon