-Day 253, Tuesday, September 25-
Tingin-tingin lang sa mga old pics kapag may time... Haaayzzz... I can feel my cheeks warming up na ulet hehehehe...
Mga pics namin ni Kendo nung kumain ulit kami sa Hamana Resto... It's been a long time since kumain kami rito... I think January pa nga non eh.
I think may crush ako- hindeeee wala hehehee... Deny-deny rin naman kapag may time! Hihihihi!
"Gwen, tigilan mo na 'yang kilig mo, kanina ka pa dyan."
Natigil nalang ako bigla at nakita ko si Xyra nakapatong na ulit yung paa sa mesa at tinititigan lang ako ng masama. "Buong buwan ka na ngang ganyan eh!"
"Uuuh... nagbabasa lang ako ng mga kilig stories sa internet," sagot ko sa kanya. Para namang sasabihin ko 'to noh!
"Riiiiiight... By the way nakita mo na siguro yung trailer nung kuya mo diba?"
"What? Nakita ko nga kasali na rin sya sa EN-2. Akala nga nya mapapalitan na sya eh pero somehow naka-abot sya sa-"
"Hinde yon! Check mo yung bago nyang primetime na palabas!"
Tumayo si Xyra galing sa upuan nya, lumapit sa'kin at pinakita yung phone nya na may nakahandang video ng isang trailer nang Nilayasan.
Wow, kahit title pa lang eh nahahalata ko nanaman isa nanaman 'tong generic teleserye.
Pinindot na ni Xyra yung play at may nakita na akong certain tanga na naka-upo sa isang office chair looking all brooding and stuff.
Maayos ang lighting, maayos ang effects, what could possible go wrong?
"Noon pa man eh magkakilala na kame, sa hindi inaasahang-"
"AHAHAHAHAHA! 'YAN YUNG PROJECT NYA?! Alang'ya hindi pa nga sya nagwoworkshop eh! Kitang-kita naman sa pananalita! Anong klaseng pananalita 'yan! Wala namang acting talent si kuya eh!" Woops nalakasan ko ata at yung ibang mga crew eh pinagtitinginan na ako ng parang ewan. "Seriously, wala syang alam! Not a single bit!"
"Ika nga sa sinabi ko eh wala man lang alam na actor skills yung kuya mo, it's so stupid it's hilarious..."
"Eh bakit hindi ka natatawa ah?" tanong ko.
"Eh kasi sobrang cringe ko na at hindi na ako natatawa dyan-"
"Lemme see yung entire plot kung gaano ka generic!"
Yumuko na ulit si Xyra at pinindot ko na ulit yung play button sa phone nya. Grabe talaga yung pananalita ni kuya! Nakakahiya! Eh hehehehe!
"Nasama ako sa kanila... parang pamilya na nga yung turing ko sa kanila eh... tapos dahil lang sa mga bagay na hindi ko naman kayang baguhin... eh napilitan akong umalis... Ngayon, hindi na nila ako pinagkakatiwalaan kahit na ilang beses ko nang nag-pangako na babalik ako sa kanila... Ngayon, ayaw na sa akin maniwala ni Candy..."
"Stop na nga... parang may napapansin na ako dyan sa mokong na yan ah..." Tumayo ako kaagad at naglakad paalis. Hapon naman na eh at hindi na masyadong mainit. In fact, mahangin pa nga ngayon eh.
Lumakad ako papunta dun sa isang tahimik na lugar, mga ilang metro galing sa tent at nagsimulang mag-call.
Calling... calling... come on...
"Hoy Tanga! Ikaw may binabalak ka nanaman dyan ah!"
"Ako? Ano nanaman ba yon ha?"
"Yung trailer nung bago mong palabas! Alang'ya ka, parte ka nung writing team ano?!"
"Eh sabi kasi nila eh magaling ka raw magsulat at kailangan ko lang din i-unlock yung full writing potential ko! 'Wag mo kong sisihin ah!"
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teenfikce[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...