-Day 310, Wednesday, November 21-
"Alam mo crush ko si Nero noon, nung way back nung nasa Zis-30 pa tayo," sabi ko kay Kendo sabay sandal sa seat ko.
Inayos ko na rin sandali yung flashlight na muhkang oil lamp bago magsalita yung kasama ko rito sa beach. "Oo nga eh, nahalata ko nga," sabi nya.
"Nahalata? Eh hindi nga kayo lumalabas non eh! Paano mo naman nalaman yon??"
"Mari, andali-dali mo lang naman alamin eh kaya malamang eh alam na rin nung buong studio yon at wala lang silang pake."
"May pics pa nya ata ako dito sa phone ko."
"Ah yung mga ni-like mo noon? Ah time flies so fast na rin ano?"
Saktong-sakto nung natapos syang magsalita nung may umihip na preskong hangin nanaman sa'min. "Anong masasabi mo sa venue natin ngayon ah?"
Nagsenyas ako sa kanya na tumingin sa paligid namin. Alam kong madilim na nga pero this is the same tent na nag-usap kami way back bago ako umalis papuntang BT-7.
"Nag-ayos ka? It actually looks nice and all pero dapat hindi mo nalang ginawa yon, nag-aksaya ka pa ng effort mo."
Umusod ako at pasimpleng dumikit sa kanya. "Eh hehehe hindi mo ako nahalata..."
"Diba sabi ko bago pa kami umalis? Para magical?"
"Wala namang nagsasabi na dapat pang sundin yung rules pagdating sa kissing scene..."
"At wala rin namang nagsasabi 'wag sundin ang mga hindi sumusunod sa rules."
"Ah ikaw-"
Nahinto nalang ako bigla at mabilis na kinalabit yung BF ko sabay turo sa isang banda nung beach. Madilim at may nakita kaming naglalakad papunta sa'min. Pero sa mundo ng mga easily-recognizable na mga tao, aba'y kilala naming dalawa kaagad kung sino man 'tong visitor na 'to.
"Oh ano meron naman ngayon? Dumating na ba yung message?" tanong ni Kendo kay Thunder nung makarating na sya within facial recognition distance.
"Ah tungkol dyan eh- ba't ba lagi kayong magkasama na ngayon? May nangyare na ba na hindi ko alam?"
Sasagot palang si Kendo nung inunahan ko na sya kaagad. "Ah Thunder, baka hindi mo lang alam-"
"Hindi ngayon ang magandang araw para magkalat ng information, pwede ba?" Hinarang ni Kendo yung isang kamay nya sa mukha ko. "Bakit ka nga pala nandito?" tanong nya kay Thunder.
"Ah kasi meron tayong kailangan pag-usapan eh. Hindi tungkol dun sa projects natin eh. It's uuuuhhhh complicated..." Kita kong nagkakamot na rin si Thunder sa likod ng ulo nya ah, parang si Kendo lang kelan lang. "Tungkol dun sa Road to MMFF."
"Ano namang meron dun?"
"Ah kasi-ah hindi pala dun! Meron pa tayong isang problema pa sa isang katiting na bagay, you know, yung ganito kaliit lang... yung sobrang tiny eh parang hindi mo na makita-"
"Ano ba kasi yun?"
Umeksena ako sa usapan nila. "Hoy Thunder ah, baka hindi mo lang alam na straight na lalake 'tong si Kendo! Wala syang oras sa'yo! Hahahaha!"
"Aaaarrrgggh! Bakit ba ako nandito eh hindi ko naman 'to problema ah?!" Nagdadabog yung blonde billionaire sa beach na parang ewan. "In fact, dapat nga inaaya ko nanaman si Ate Walter ng pang-isang-milyong times na sa date eh!"
"Ano ba kasi yon ha?" tanong ni Kendo.
Kahit madilim eh enough na rin naman na yung ilaw na binibigay nung flashlight lamp para makita kong nag-eyeroll si Thunder sa amin.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...