Chapter 91 - Things That Need to be Said

2 0 0
                                    

-Day 56, Wednesday, March 12-


Ibang iba talaga at in two days dito ni kuya eh ibang-iba kumilos ang crew!

"Alright guys, yung living motivational poster natin nandito na at in position para manood satin! 'Wag nang gagawa ng puro landian ladies, ready up!" sabi ko sabay gawa ng tatlong palakpak, na para bang isang tunay na lider sa mga tauhan ko... at least sa tingin ko na tunay na leader.

Anyways, tinapik ko si kuya sa balikat, "Hey, ready mo na yung speech mo."

"Any idea kung bakit puro bakla dito sa studio?"

"Ang sinasabi mo ata yung modelling studio, dun puro babae dun eh TV network studio lang 'to eh."

"At bakit nga pala sumusunod sila sayo? Ikaw na boss dito ngayon?!"

"Sorta, basta ready up na yung speech."

Tinapik ko na yung balikat nya ulit at pumalakpak nanaman ng isang beses para kuhanin yung mga atensyon ng mga baklang nagpa-plano sa table sa harap ko, "Ladies! May ilang mga salita ang sasabihin ang motivational poster natin ngayon."

"Je n'ai vraiment aucune idée de ce que je fais en ce moment," sabi nya sa kanyang classic French accent.

And... knowing French... ang simply pinaka-romantic na language sa mundo ngayon, eh no wonder halos yung mga bakla rito eh nahimatay na... kahit hindi ko naman naintindihan yung sinabi nya...

"Hey... umayos yung kukote mo ah, at baka sinisiraan mo na ako ah."

"Eh hehehe... in French, no less."

Lumingon ulit ako sa mga crew ko at nagsabi, "Bale yan na nga, yung nakikita nyo sa mga printed copy sa harap nyo ngayon. Yan ang gagawin natin sa Enchantine 2! Napanood ko yung ginawa nyo, at nakita ko na pilit nyong pinapalakas na yung mga bida to the point na isang pitik nalang yung kalaban at tapos na yung laban!"

"Eh, iha, kaya lang namin ginagawa yon eh kasi gusto naming maipakita na malakas ang babae, diba? Anong masama ron."

Lumingon ako kay kuya, "Anong masasabi mo don?"

"Si je pouvais avoir des boissons gratuites, ce serait bien."

"Narinig nyo yung sinabi nya? Kailangan natin ng quality!" malakas na sabi ko sa team ko bago lumingon ulit kay Mrs. Aparador, "Ma'am, hindi porket na pumapatay ng tao ang babaeng character eh malakas na yon."

"Di ba yon na nga yung meaning non? Malakas na babaeng character?"

"Hinde ma'am, ang sinasabi nyo po eh yung malakas na babae physically. May nagsabi sakin kagabi na panoorin ko raw yung Mystical, na ang tag pa nga eh 'the power of women' eh. Tapos ang nakita ko lang eh mga lampa na inabot na ng 300 years para lang tapusin yung goal nila na hindi naman din sila nakatapos kundi lalake lang."

"Wala naman akong naaalalang ganun yung ginawa ko ah..." mahinang sabi ng isang bakla sa tabi ko lang.

"Ah so ikaw pala yung gumawa nun?"

"Oo, wala naman akong naaalalang mahina sila ah..."

"Ah yun ay dahil hindi mo naman inintindi at intended lang yon i-showcase nanaman yung mga lumang artista na rito, am I right?"

"Eh iha, ganon na nga kami rito-"

"Heps! Standby lang po! Ma'am Aparador, may sasabihin si kuya satin!"

Tinapik ko na ulit yung katabi ko.

"Quel genre de studio ne sait pas comment planifier une narration?"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon