-Day 58, Friday, March 14-
Come on! Dammit! Isang tingin ulit sa digital clock ng super car ko eh kitang-kita ko ng halos isang oras na akong late! Talaga naman ang traffic dito oh! Dammit!
Oh ngayon mas nagiging obvious pa lalo na ako lang ang may naiibang kotse dito sa kalsada... pero okay lang yon, ego trip din naman 'pag may time, tulad ngayon.
Nasan na ba ako anyways? Napatingin ako sa GPS nung ride ko at nakita ko na medyo malapit-apit na rin pala eh no? Hindi ko na namalayan na isang oras na pala.
Hindi na inabot pa ng ilang mga minuto eh nakita ko na yung tuktok nung New Life condo ko! At matapos pa ulit ang mga ilang ikot sa daan eh nakarating na ako dun sa harap nung condo ko!
But where the heck na ba yung pasahero ko rito?! Dumarami nanaman yung mga taong pinagtitinginan yung ride ko eh... hanep sa ride talaga... grabe... Sandali nga lang at suot muna ako ng shades...
Tumingin ako sa salamin nung kotse at medyo nakikita ko yung reflection ko sa front mirror, aba'y feeling mayaman talaga! Iba na talaga kapag allowed nang maging billionaire-
Oh what do we have here...? May isang kahina-hinalang lalakeng naka-casual na naka-sandal dun sa pader, as compared dun sa mga nakatayo sa paligid lang. After all, hapon naman na eh, at baka nagsisiuwian na yung mga tao.
Anyways, umandar lang ako ng kaunti, at naapansin kong napatingin sya rito sa direksyon ko- pero inalis lang yung tingin ulit. Ha! Akala nya hindi ako 'to... Now nasan na ba kasi yung pambaba nung salamin...
Dammit! Buksan na nga lang yung tumataas kong pinto!
Sinuot ko na yung full digsuise ko at lumabas na ng kotse, aba'y syempre lingon naman lahat yung mga tao sa paligid! Aba'y sino itong half-French beauty na lumabas? Sino kaya?!
...
Lumingon lingon ako para manigurado na hindi nanaman umaaligid si Ate Walter somewhere at nanakawin nanaman yung views ko.
Sumaglit yung tingin ko kay Kendo, na parang hindi naman ako pinapansin, hindi nya nga talaga alam! Lumakad ako paalis pagtapos kong isara yung pinto nung fabulous ride ko.
Lumakad ako papunta sa isang alleyway, tanggal ng kaunting disguise pati na rin yung salamin ko at balik na ulit.
Pasimple kong tinabihan si Kendo, na hindi talaga tumitingin.
"Hey... gwapo mo dyan sa suot mo ah..."
Napatingin sya kaagad sakin, at paglipas ng ilang millisecond ng pag-confirm na ako nga ito eh napangiti sya kaagad, "Uy! Nandyan ka na pala! Antagal mo ah! Traffic ba?"
"You betcho' ass na-traffic ako, alam mo ba kung nasan na ako nakatira ngayon, ha?"
"Hinde eh, saan na ba?"
Napatingin ako sa kabilang side nya, "Wala ka man lang pasalubong? Naman oh!"
"Well actually meron-"
"Enough talk, bakit hindi nalang tayo sakay na sa fabulous ride na meron ako ngayon?" sabi ko sabay gawa ng isang grandeng gesture turo sa Lamborghini Huracan sa tapat lang namin, syempre sinigurado ko na rin na hindi naman ako nagmukhang tanga sa mga tao sa paligid.
"Dear god... nabili mo na kaagad yan...?"
"Uh... yeah? Psst... bilyonaryo ako pre..."
"Ay oo nga pala."
Tinapik ko na sya sa likod at lumapit na sa kotse namin at intay sa kanya. Pagdating nya eh binuksan ko na yung pinto pataas at turo sa loob.
At this point pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid eh.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...