Chapter 135 - Visiting Tangkad Mansion

4 0 0
                                        

-Day 294, Monday, November 5-


"I have actually no idea sa ginagawa ko ngayon-ngayon lang..."

"Relax, Kendo, dalawang araw pa lang tayong official. Walang manghihinala satin! Sa tutal eh sasamahan mo lang naman ako dito sa mansyon namin at baka sinira na ni kuya NB yung bahay eh."

"Oo nga, hindi mo na kailangan pang magsabi ng exposition sa'kin at alam ko nga."

Napatingin lang ako sa bintana nung limo na sasakyan namin at nakita kong malayo-layo pa naman kami sa mansyon pero nasa Makati na kami.

Napalingon ako sa kasama ko, "Hey Kendo, para sa pagiging official natin eh parang wala pa tayong ginagawang iba ah?"

"Noon pa man eh lahat nung ginagawa natin eh pang BF-GF na kaya pansin ko lang na wala na tayong kailangang gawin. As long as walang nakaka-alam nung nagaganap ngayon-ngayon lang."

"Ayan ka nanaman... Si Lyn pwedeng makipag-date kay Nero tapos tayo hindi nya pwedeng malaman?"

"Personal reasons, 'wag mo nang alamin."

"Hmmmph! Hindi ka pa nga rin nagpapaturo ng kissing lessons galing sa'kin eh!"

"Ikaw naman natataranta ka kaagad eh! Binabato mo nanaman sa'kin yung blame."

"Eh ikaw kasi eh! Hindi ka pwedeng mahiya kapag training lessons natin! Lintek na ansarap mong lamutakin imbes na halikan kapag nahihiya ka eh!"

"Ako rin naman nagsabi na hindi ka pwedeng magsuot ng masikip na T-shirt eh, kaya kasalanan mo yon hehehehe!"

"Woops! Papasok na tayo Forbes Park! Keep watch kung saan-saan kung may nakikita kang remnants ng isang party!"

Nagtingin-tingin kami sa paligid, si Kendo sa kaliwang side at dito ako sa kabila. Nakikita ko na yung dambuhalang mansyon namin eh pero mukhang malinis naman.

"Counted ba 'tong party na 'to rito?"

Napalingon ako sa tinuro ni Kendo. "Ah wala lang yan, basta dapat dito sa may mansyon-muhkang okay rin naman eh! Day-off ka naman ngayon diba! We got lots of things to do rito sa bahay!"

"Ah yes, yung high-quality higaan mo mukhang maganda ulit subukan! Hehehehe!"

Nag-init nalang bigla yung mukha ko sa suggestion nya. "Hoy ikaw ah! Ano nanaman ba yang binabalak mo ah?!"

"Ikaw naman turned-on ka nanaman... Oh look! Tingnan mo sa labas! Looks like may nag-aabang na sayo rito!"

Nakita ko nga yung tinuro ni Kendo at nakita ko yung-

Si Kuya NB at si Papa...

Oh crap mukhang sinabihan nung bwiset na kuya ko si Papa na pumunta rito ah...

Pero wala naman sigurong big deal kasi tinted naman yung kotse at pwedeng magtago nalang si Kendo rito at pumunta nalang kami somewhere else pagtapos kong magpakita ng kaunti. Sabihin ko nalang may trabaho ako dun.

"Ah dito na muna ako... balik ka nalang maya okay?"

"Ah sure! Basta isipin mo na kung saan tayo kain sa labas mamaya ah?"

Tumango na sya sa'kin at dahan-dahan akong lumabas at sinigurado kong hindi man lang makikita si Kendo paglabas ko, at gumana nga.

"Welcome back Jen! Long time no see!" medyo malakas na sabi ni Papa. Buti naman walang nakarinig sa kanya rito.

"Anong ginagawa nyo po rito?" tanong ko sa kanya rin.

"Tinawagan ako nitong si NB na darating ka raw kaya poof! Nandito ako! Sabi nya isasama mo raw yung bago mong boyfriend eh-"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon