-Day 3-
"Ganyan talaga kapag sanayan, alam mo naman sa Pinas e, kilig lang talaga to the max," sabi ko kay Ashton habang naglalakad kami sa labas papunta nang Zis 30.
Isa lang pala yung promotion na yon at wala nang iba, at wala pa ring balita kay Ryan o yung CGI na trailer.
"Ang hindi ko lang alam e bakit hindi na tayo sinundo, akala ko ba e susunduin tayo nung..."
"Yung bansot ba kamo?" Tanong ko sa kanya, "Malamang planado nanaman for free promotion."
"Free promotion? E halos wala ngang naka-kilala sa atin e. Yung last project ko na leading man ako e nung 2014 pa! Tapos yung Barkadas mo e nung year after lang e 2019 na ngayon," sabi ni Ashton sa akin.
Sasagot pa lang sana ako nang mapadaan kami sa isang coffee shop sa kanan ng Zis 30.
Sadyang napatingin lang ako sa loob at may nakita akong pamilyar na hairstyle. Agad ko namang hinatak si Ashton dere-deretso sa Emtree Lee's sa kabilang banda naman ng Zis 30.
Madali kaming pumasok doon at naupo sa pinaka-malapit na upuan. At sa tahimik ng mga tao doon, bukod sa mga ilang nagdadaldalan e mukhang hindi nila kami kilala.
"Ano ba yon? May pinagtataguan ba tayo?" Bulong sa akin ni Ashton saby turo sa labas.
"Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko!" Malakas na bulong ko rin pero sinigurado kong sya lang yung nakarinig, "parang nakita ko si Selena bumibili sa coffee shop kanina!"
"Yung Ostwind coffee shop dyan lang sa kabila? At sinong Selena ba? A.S. ba yon?"
"Oo! Bakit hindi mo sya kilala-? Puro backstage ng backstage kasi e."
"Sya ba yung maikli yung buhok na-"
"Yep sya yon! Puntahan natin!"
Tatango na sana sya nang parang may bigla syang naisip, "hindi ako marunong sa mga foreigner e... hehehe."
Natigil din ako sa sinabi nya at dahan-dahan na nag-slouch sa upuan ko, "Ako rin e, hehehe. Anong gagawin natin?"
"Ey! 'Wag ako! Ikaw nalang kaya?" Reklamo sa akin ni Ashton, "baka mapahiya pa ako dyan sa sinasabi mo. Kung gusto mo ikaw, e ikaw nalang."
"E baka mapahiya din ako e. How about tayong dalawa, no? Gusto mo rin naman makita si Ryan e."
"Sino bang lalaki hindi sya gustong makita?" Proud na proud nyang sabi sa akin.
"Naah bahala na, labas na tayo, 'wag na natin palampasin," tumayo na ako at lumabas na kami sa Emtree Lee's na parang kanina lang kami pumasok, totoo naman e.
"Basta ikaw kakausap, game ako dyan. Anong oras na ba?"
"Mga 3 na siguro nang hapon, antagal kaya natin dun sa High School ko."
"Wow naman, parang dalawang oras nalang e tapos na 'tong araw na 'to. Basta wala na akong pasok for the next 6 months at malamang valedictorian pa ngayong taon!"
Naglakad na kami papunta dun sa Ostwind Coffee Shop.
Malapit na sana yung pinto nang biglang lumabas yung target namin at dumiretso sa direksyon namin.
Pinilit kong hindi tumingin sa kanya kaya lang nataranta na talaga ako at dumiretso nalang sa paglalakad.
Para kaming tanga sa ginawa naming pareho.
Nahinto na kami mga ilang hakbang palampas ng Ostwind.
"Anong nangyari don?!" Malakas na tanong sa akin ni Ashton.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...