Chapter 36 - Advertising Tactics

6 0 0
                                        

-Day 16, Friday, January 31-


Naupo ako dito sa tent habang pinanonood kong mag-direct nanaman si Backstage kay Bronze sa di bandang kalayuan lang

Since nga yung kausap ni Bronze e CGI lang, e yung kausap nya isang tao nanaman sa isang suit na maraming batik-batik.

Nakita ko syang nagpa-cut nanaman...

Tingnan mo nga naman yan.

Panay cut, gusto maayos lagi.

OCD lang ata yung pagkaka-'genius' nyan eh.

Naalala ko tuloy yung mga araw ko sa BT-7, nung tine-tape palang yung Barkadas, halos wala namang mga cut doon at dere-deretso lang kami. Kahit hindi maayos e pwede na.

Tapos ngayon, e puro tigil ng tigil nalang..

Nyeh nyeh nyeh nyeh nyeh nyeh nyeh...

"Ano nanamang problema ba ang meron dyan? Nagmumuni-muni ka nanaman dyan ah."

Narinig kong nagsalita si Xyra sa tabi ko. Nalalakasan ko ba yung sinasabi ko.

"Puro cut eh," sagot ko sa kanya, "tingnan mo lang oh!"

Binaba ni Xyra yung sunglasses nya at tumingin din kay Backstage, "o ano naman ngayon?"

"Istorbo na eh..."

"Hah! Ano naman gusto mong mangyare? Ang awkward mo magsalita tapos ipu-push mo lang?"

"Ganun na nga."

"Geeee Eeeyyy... Anong klaseng pag-iisip ang nangyare dyan sa kukote mo? Bakit naman na okay lang sayo na panget ka on TV? Why? G.A.? Why??"

Grabe naman ang inarte ni Xyra sa sinabi ko, nagko-comment lang naman ako eh.

"Hindi naman kasi yon eh," tumigil ako ng kaunti at sumipsip sa pineapple juice ko at nilakasan ng kaunti na rin yung electric fan sa tapat ko. Hapon na, pero grabe pa rin ang init.

"Alam mo, G.A., pansin ko lang naman na ikaw lang din ang nagrereklamo dito eh, wala naman niisa dun sa mga napili namin e nagrereklamo. Pinapahiya mo lang yung sarili mo eh."

"Haaayyyzzzz, anghihirap pa ng stunts ko, bakit naman kasi wala akong stuntman eh."

"G.A., stuntwoman dapat, stuntwoman."

"Ah basta," tumahimik na ako nang makita ko nanaman yung creative duo na paparating sa lokasyon ko.

Pareho silang nakatalikod nung makapunta sila rito. Malamang sinu-supervise pa rin yung pag-arte ni Bronze sa disyerto.

Nakita ko na meron na pala silang bagong director, at least yung nakuha nila mukhang may experience na, base lang sa edad.

O posibleng wala rin, let's hope not.

Basta naiwan yung 'director' na nagdi-direct pa rin sa disyerto kasama ni Bronze, at yung iba pang crew.

Naupo silang dalawa sa mga upuan sa table ko, nakatalikod pa rin.

Napatingin ako kay Xyra, at nakita kong nakatitig lang sya sa script, mukhang may binabasa at walang paki-alam na nandito nayung dalawa.

Sa inaarte nila e mukhang hindi nila alam na nandito ako. Hindi kaya nila rinig yung electric fan ko?

"Glad to see we're still making progress," komento ni Backstage, sabay lagay ng kamay sa likod ng ulo.

Napatingin si Selena sa langit.

Ako rin naman, maganda nga talaga ang panahon ngayong hapon, red skies pa nga eh. Kaya pala nagpu-push pa rin ng taping para mukhang natural.

Alam kaya nila na nandito ako sa likod.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon