Chapter 53 - The Issue

2 0 0
                                    

-Day 35, Wednesday, February 19-


Isang check lang sa FB page ng Pinagpala...

Isang bukas lang ng TV...

Isang buklat lang ng diaryo...

Literally, as in literally, kumalat na kung saan-saan. Lahat na nung mga tao nag-aabang na.

"Ayaw ka na talagang tigilan nung mga tao eh no? Mukhang nag-backfire na ata 'tong project nyo," sabi ko kay Nero habang naka-upo kami sa isang mesa sa ilalim nanaman ng isang tent malapit sa mobile home nung Doc ni Ate Walter.

"Tingnan mo nga itong notifications ko oh, punong puno na talaga," pinakita nya sakin yung CP nya sa kanyang FB profile, at tatlong tuldok nalang yung nandun sa notifications bar sa sobrang dami.

"Lahat sayo tinatanong kung ano na nangyare kay Selena eh no?"

"Oo nga eh, hindi naman ako pwedeng pumasok sa loob. Gagawa na sana ako ng post kanina nung hinarang ako nina Thunder sa pinto. Hindi ko na naisip na offensive nga pala yung gagawin ko."

"Oo nga naman eh, bakit mo naman ie-exploit na nagkasakit si Selena ngayon. Peke lang yung ginagawa nyo tapos ito totoo na 'to eh. No big deal, ako rin naman hindi pwedeng pumasok sa loob eh."

"Balita ko nga ikaw yung tinuturo ni Thunder kanina eh, nandun ka ba?"

"Oy! Anong ginawa ko ngayon?!"

"Inaasar mo raw si Celine, kaya yun."

"Ah yun... oo nga... pinag-isipan ko na rin naman yan eh, ano ka ba naman, it's been two days naman nah."

Lumingon si Nero sa mobile home sa likod nya, napatingin din naman ako. Hanggang ngayon e mayroon pa ring mga tao na umaaligid, at nag-aabang ng news.

"In case lang na di nyo alam, dudes, pwede naman mag-post lang ng kahit ano dyan eh."

Kanina pa sya nananahimik sa tabi ko habang naka-patong ang paa sa mesa, nagsalita na rin si Xyra.

Bigla ko na ring naalala, "may interview ka ba ngayon? Kasi ang alam ko eh magdadatingan yung mga news chopper dito eh para makibalita."

"Gwen, di mo na kailangan sabihin yan, para namang hindi namin alam yan," sumilip si Xyra sa langit at napasabi na rin, "hapon na, malapit na sila."

"Hey! Ano nang sasabihin ko ngayon?!" Tanong sa amin ni Nero.

"Artista ka naman diba? Magsabi ka ng stock answers!"

"Stock answers, eh ayaw nga ako papasukin dun eh!"

Pagtapos ni Nero magsalita eh nakita namin si Thunder na lumabas sa van.

"Ey! Thunder, lika rito!" Tinawag ko na sya para kay Nero, sayang naman eh.

Lumapit na sya sa amin at kinalabit si Nero.

"Pasok ka muna dun sandali, sasabihin na sayo yung sasabihin mo mamaya pagdating nila," sabi ni Thunder sabay turo dun sa mobile home.

Hindi naman na sumagot si Nero pero tumayo nalang at naglakad paalis.

Pumasok na sya dun sa mobile home.

"May sasabihin ka ba dito? Kulog?" Sabi ni Xyra sabay tuktok ng kamay sa mesa, "kasi sa tingin ko may mahabang kwento dito."

"Hoy ah, hindi ko kasalanan yun ah..."

"Nah, 'wag na nating pag-usapan yun, kahit nga partly kasalanan mo yon, like... 8%," umupo na si Thunder dun sa upuan ni Nero kanina.

Pinaligiran nanaman si Thunder ng mga tao na kanina pa umaaligid kanina pa.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon