-Day 134, Tuesday, May 29-
Since kakatapos ko lang naman ulit ng taping... na hindi ko alam kung bakit ko pa ginagawa eh umupo muna ako ulit dun sa director's chair ni Kuya Pochi, dahil lagi naman talaga akong nakiki-upo rito eh.
At usual sa mga ginagawa ko rito sa director's chair eh dinampot ko nanaman yung script. Doesn't matter nalang kung naka full fantasy metal bikini pa rin ako at magbabasa muna ako rito.
Aba... makapal yung script ngayon ah, baka ito na yung full script since day one... bakit kaya nandito 'to? Ah basta tingnan ko na rin. Hindi ko naman na alam yung mga pinagta-tape ko nun eh. Gaano na kaya ka-burara yung plots noon pa man?
Tiningnan ko yung start nung month 2.
Nakakuha ng isang makapangyarihang dyamante si Pug na kayang burahin ang kahit ano from existence.
Wow... overpowered ah... ano kayang ginawa nya dun?
Binura nya yung weapon ni Thazmodan kaya nabalik yung powers ni Pug kaya nag-control na rin sya ng isang crystal planet para i-reflect sa araw at gumawa ng isang orbital strike samantalang si Thazmodan, yung villain, eh wala nang powers...
Wow... last month pa 'to ah... wala na talaga itong EN-2, wala nang pag-asa 'to.
"I see you're still interested in such puny matters...?"
Hindi na ako lumingon pa kung saan nanggaling yung boses na yun, "Oy Darls, ano na?"
"Sabi na sayo babalik din sila sa dati eh!"
"Oo na! Ilang beses mo bang sasabihin sakin yan? Alam ko na! Panalo ka na, kaya hindi mo na kailangan pang ipagdiin yan!"
"Told ya! Hehehehehheeee... I win!"
"Kaya isuksok mo na yung pagkapanalo mo sa kukote mo at-"
May kumalabit sa akin at nakita kong si Kuya Pochi lang pala. "Tawag ka raw ni Ma'am Cabinet," sabi nya sa akin.
"Okay then." Tumayo ako, nagsingit ng isang pat sa ulo ni Daryl at naglakad na paalis as fast as possible at baka hambalusin nanaman ako ng tsinelas nitong bansot na leading man ko eh.
Pansin ko lang at buti naman at wala kaming kissing scene, thank god for that-! Oh wait, tapos na pala... woops!
Pumunta na ako ng elevator at akyat na kaagad. Ano namang kaya pag-uusapan namin ni Mrs. Aparador ngayon? Malamang mga projects nanaman, maraming-maraming projects. Binilang ko mentally kung ilang advertisements yung nagawa ko na, marami-rami na rin.
Naka-abot na ako sa kwarto, kumatok na, at pinapasok na.
Nakita ko si Mrs. Aparador na naka-upo lang don.
"Oh hi Ma'am! Ano po meron?"
"Upo ka muna dyan, iha, have a seat," sabi nya sabay senyas sa upuan sa harap nung table nya. "Nakatanggap ako ng tawag galing AS."
Nanlaki yung mata ko at kinabahan ng kaunti. "Ano pong tawag?" tanong ko.
"Naka-usap ko 'tong si Thunder kanina-nina lang at nagtatanong sila kung pwede ka na bang ibalik sa kanila. Pero syempre sinabi ko na hindi na pwede syempre!"
"Err... bakit nyo po ba ako pinatawag dito?"
"Ah iha, baka may alam ka kasi eh. Eh syempre gusto ko na rin naman ipagsabi yung balitang nakuha ko kaya win-win na rin-"
Hindi... ako... pwede... ibalik sa kanila...?
"Oh anong nangyari sa'yo dyan, iha, okay ka lang ba? Masakit ba ulo?"

BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Fiksi Remaja[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...