"Sino yung lalake?" Tanong ko kay Nero nung malayo-layo na sya.
"Ahh si Kyle lang yon. 'Wag ka na kasi matakot sa kahit sinong foreigner na makita mo e."
"Pssst!"
"Hindi ba talaga titigil 'tong babaeng 'to?"
"Ilana, stop it," sabi ni Nero dun sa babae. Halos nalimutan ko na, Ilana nga pala pangaln nito.
"Do ya wanna hear a story about the mad mouse?"
Inangat nya ulit yung libro nya na may pic ng galit na cartoon na daga na cover.
"That won't be necessary," pinababa na ni Nero yung libro nung babae tapos napatingin sa akin, "lumaki sa Britain, english speaking na, may accent pa. Pero pinay."
Mukha nga syang pinay para sa akin...
"O pwede na ikaw magpractice sa kanya. Technically foreigner 'to kaya pwede na rin, diba?" Sabi ni Nero sa akin.
"Buti nakuha ni Thunder 'to?"
"E alam mo naman si Thunder, lagi nalang walang magawa sa dami ng pera nya."
Nagtanong ulit ako, "E sino yung Bronze? Ang wierd naman ng pangalan nya. Nasan din yun?"
"Sabi nung babaeng may acronym na pangalan."
"Sino na nga kasi eh?"
"Bespren ni Thunder, may Youtube channel yon ah, hindi mo nanaman alam?"
"Anong Youtube channel?" Tanong ko sa kanya.
"Grimrose!" Malakas na sabi ni Ilana sabay sigaw nanaman ni Lesley at hagis ng lata ng softdrink. Katulad kanina, tinamaan nanaman sya sa ulo pero mukhang hindi nanaman napansin.
"Grimrose. Pansin kong parang wala kang alam sa amin a," sabi ni Nero sabay sandal sa upuan nya.
May narinig kaming squeak galing kay Ilana. Yung stress ball nya yun. Kelan pa naging squeaky toy ang stress ball?
"Plummybo would like to know your name!" Sabi ni Ilana pagtapos ipakita sa akin yung stress ball na design ng isang... prutas?
"Plums are not allowed to talk," sabi ni Nero sa kanya.
"But he'll give you three wishes!"
"Plums do not give wishes."
"Ang cute nya magsalita, no?" kalabit ko kay Nero, "ano edad nyan?"
"Mga kasing edad mo ata? 18? 19?"
Nagulat nalang ako sa sinabi nya, pero sinigurado kong hindi ako hahagisan ng lata ng softdrink, "Seryoso ka? Halos mukhang 10 years old lang 'to a."
"Malaki kasi yung pisngi, sa genes na yun. Mana na sa magulang yan."
"Ampon sya no? Yun lang ata yung alam ko. Medyo sumagi lang yung ibang details na yun nung narinig ko yung pangalan. Alam ba nya?"
"Hinde-"
"Whooosh!" pinagulong ni Ilana yung stress ball papunta sa akin. Napansin ko na rin na halos dalawang dangkal yung luwag nung sleeve ng jacket na suot nya sa kanya. Para syang yung cartoon character na pinanonood ko tuwing Sunday pero nalimutan ko na.
Nakuha ko yung stress ball, parang malamig ata masyado kahit naka-aircon na kami dito.
"Make a wish!"
"Hindi ko alam bakit ako pa ang nagba-baysit nitong batang 'to," narinig kong bulong ni Nero sa sarili nya.
"Uh... sana sumikat ako," joke na sagot ko sa kanya. Hindi naman sya nakakaintindi ng-
"Wooow! Sana ako rin!"
Nanlaki ang mata ko sa sagot nya at parang napansin ko rin na ngumisi si Nero. Nakakapag-salita ng Tagalog 'to??
"Plummybo! Grant wish!" kinuha na nya ulit yung bola at hinimas-himas ito.
"Gulat ka 'no?" Naka-ngisi pa rin si Nero.
"Oo nga e, hindi ko nga in-expect yon e."
Tumalikod muna si Nero ng sandali at naglabas ng alcohol galing sa bulsa nya sa pantalon tapos pinatong sa mesa namin.
"Plummybo has spoken!" Malakas na bulong ni Ilana sabay subo ng bola.
Nandiri ako bigla sa hinawakan ko at hinablot na yung alcohol ni Nero.
"Advance ako mag-isip e," sabi nya sabay tawa.
"Eeeeewwww... Ilana, you're so very gross," sabi ko dun sa bata.
"My spittle can cure cancer!" Sagot nya sa akin. Nalaglag nalang yung bola sa sahig.
"Okay that's enough, you've been hanging around Thunder for too long," sinipa ni Nero yung bola pabalik sa kanya, "ngayon may laway na rin yung sapatos ko."
"'Wala na akong kukuning Plummybo ngayong araw. Saan na ba tayo?"
Sumandal na ulit si Nero sa upuan nya at pinatong ang paa sa mesa, "yung Youtube channel ni Bronze, yung Grimrose. Kasama dun yung mga videos ni Thunder at yung alaga nyang butiki, yung ate ni Bronze mismo, at si Bonk."
Sa pagsabi ni Nero ng Bonk e patago nyang tinuro si Lesley. Bonk nga pala yung brand ng softdrink nya. Bonk talaga tawag sa kanya eh no?
"Yung ate ba ni Bronze e A.S. din?"
"Yung isa, yung pinakabata. Alam ko nagsabi sya samin na pupunta sila ng mga pasadong mga bata nya galing T35 sa Emtree Lee's."
"Sya ba yung matangkad na naka-salamin? Parang sya ata yun. Galing din ako dun kanina, si Xyra nga nandun e."
"Si Xyra ba kamo? Alam ko wala pang sinasabi sa kanya na pumunta na dito a. Wala pa sya role e."
May bigla akong naalala, "dun sa kwarto kung saan pinasok na ako dito, si Selena ba yung isa sa mga screenwriter dito?"
"Oo, dalawa sila. Si Ryan ba yung gusto mong iparating bakit nawawala pa rin hanggang ngayon?"
"Tatanong ko nga sana e."
"Kim's not here until day three," narinig kong sagot sa amin ni Ilana. Mukhang hindi na nya pinulot yung bola nya at ngayon may kinakain nang bagay na kahawig nung design nung stress ball nya.
"Errr... tunay ba yun?"
"Tunay na yan kaya chill ka lang, mahilig lang sya sa plums."
"Si Ryan?"
"Narinig mo yung bata, day three, datos unos-"
"GAAAAAAAAAAAAH! I'M HERE! I'M AWAKE!"
Gulat nalang kaming tatlo nang biglang sumigaw si Lesley galing sa tulog nya.
"It's past 1:30, Our central clock's broken again," mabilis na lakad ni Kyle papunta sa amin, dumampot ng lata at hinagis pabalik kay Lesley.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...