Chapter 16 - The Trailer

15 0 0
                                    

- Day 4 -


"May topak ako ngayon, alam mo ba yon?" Sabi nung lalaking kakilala ni Ashton na hanggang ngayon e hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Uminom ako ng isang higop ng kape ko galing Ostwind, grabe pala sarap nitong kape na 'to a, "Okay, ano yon?"

"Biro mo ba naman?! Dapat kasama ko si Ate Walter dun sa promotion namin kahapon at nung isang araw pa! Hulaan mo nangyari?"

Uminom ulit ako bago magsalita, "The fact na hanggang beywang ka lang nya? Tangkad naman kasi e."

"Hinde! Inisip ko na kaming dalawa nasa likod nung sasakyan namin e yun pala e ako yung katabi ng driver at kasama nya yung doktor nya!"

Medyo muntik na akong maubo sa sinabi nya. Doktor kamo? Sa lahat ng tao e doktor pa nya?!

"Ano kamo...?" Naulit ko sa kanya, "may sakit ba sya?"

"Sexy Disease," sabi ni 'Blocky' na tuloy pa rin sa simangot.

"Ano...? Niloloko mo na ko e! Seryoso pa ba yan?!"

"Hmmmph, alis na muna ako," inis nyang sabi sabay tayo at lakad paalis.

Napatingin nalang ako sa oras. Aba'y 9 na pala! Tumayo ako sa inuupuan ko at nagmadali papunta sa room na sinabi sa akin ni Nero kahapon kung saan ididisplay yung CGI trailer namin.

Finally! Makakapag-simula na!

Tatlong araw nang walang ginagawa at baka ngayon mabago na!

Dapat pala in-invite ko si Chelsea ngayon. Nalimutan kong sabihin kahapon.

Siguro naman si Ryan lilitaw na ngayon. Sana lang.

Pumunta na ako sa main hall kung saan naganap din yung pilian ng mga artista nung isang araw.

Patay, andami nanamang A.S. na foreigner.

Nagtingin-tingin ako sa paligid at napansin kong parang wala pa si Ashton.

Pero nakita ko sa bandang malayo e nandun sina Nero at yung babaeng... wala sa tamang pag-iisip. Pwede na siguro sila.

Nakita akong paparating ni Nero at umusod sa kanan nya at nagturo nang bakanteng upuan sa tabi nya.

"Ngayon na ba talaga yon?"

"Upo ka na rito! Hindi ka ba nagtataka kung bakit prine-prepare na nila yung sinehan natin? Purong gawang Pinoy 'tong project na 'to!" Excited na sabi nya sabay turo sa projector na nakaharap sa... kung anu man tawag dun sa targetan ng mga projector, malay ko.

Naupo na ako katabi nya.

"Pssst!"

Nagsisimula nanamang 'tong babaeng 'to a.

"Now's not the right time for this nonsense. I thought you said to Plummybo that you'll stay quiet today?"

"OKAY!" Malakas na sagot nung babaeng nalimutan ko na yung pangalan.

"Okay ba 'tong trailer natin?" Tanong ko kay Nero.

"Nakita ko yung preview kahapon! Hindi ko inexpect na kaya nga ang ganitong graphics dito!"

"Naku, malamang naghakot lang sila ng mga digital animators galing ibang bansa. Foreigner naman lahat sila e."

"Hindi ka talaga naniniwala e no?" Sabi ni Nero sabay sandal sa upuan nya, "abang ka lang..."

Tumingin ako sa direksyon nung projector at nakita ko ulit yung matangkad na lalakeng A.S. na may magandang pwet na nakatayo katabi nun.

"Is it the blue button?!" Malakas na tanong nya kay Lesley sa malayo.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon