Chapter 107 - The Luxury Yacht

2 0 0
                                    

-Day 96, Saturday, April 21- 


Aaaah this is the life! Nagchi-chill habang nakasuot ng isang formal party dress, may dalang... wine sa baso ko, nakikipag-usap sa mga high-profile na mga lalake at habang nagcu-cruise nalang dito sa luxury yacht ni Senator Bughaw... kung sino man yung lalakeng yun. Basta ang alam ko eh kanina ko pa sya hindi nakikita.

Ganito pa rin pala kalaki yung mga luxury yachts eh no? Dapat pala meron din ako nito.

Lumakad na ako at tumambay muna sa deck. Gabi naman na eh, at nakabukas na yung mga fancy lights at mahangin.

Pansin ko lang naman din na andami atang mga babaeng mukhang mga model dito sa yate, yung iba nga eh namumukhaan ko pa yung mga model sa BT-7 pero too bad wala man lang na kakilala ko yug invited. In fact, ako nga lang eh... Hmmph! Malamang dun sa splendid retoke ko yun-

Woah!

Bigla akong umatras ng mabilis nung may nakita akong pamilyar na mga mukha. Na-expect ko na rin naman na yon nung dumating yung invite eh, at hindi nga ako nagkamali.

May ilang mga AS dito... nakita ko na sina Thunder at Bronze kanina, buti naman hindi nila ako nahalata.

At ang chances are, eh hindi sya darating dito, imposible na yon.

Ang tunay na problema nga lang eh kapag lumabas na si Ate Walter dun sa kanyang dressing room eh aagawin nanaman yung buong attention nung entire ship!

Kainis talaga yung babaeng yun... kahit nung dumating sya sa kanyang pink fuzzy sweater eh tingin pa rin silang lahat... dammit...

Buti naman wala rin namang nakaka-kilala sakin dito kaya it's fine to chill.

Ngayon ko lang naalala na meron palang mga ibang mga lalake rito sa table na inupuan ko.

"Hey good lookin' kamusta na yung trip so far?" sabi nung isang lalake sa kanan ko.

Aba'y ito ata yung famed surfer na anak nung senator Bughaw eh... of course dapat maayos! First impressions matter!

Sinubukan kong mag-giggle na tulad ni Ilana... looks okay naman according dun sa inarte nung lalake.

"Ganda nung yate nung tatay ko no?"

"Oo nga eh, ganda nga!" sagot ko sa kanya since wala naman talgaang iba nang available na sagot eh kaya yun na lang.

May ilang mga mukhang foreigner na models na babae na tumabi sa kanya at sinimulan syang kausapin. Buti naman, hindi ako marunong ng small talk eh.

Isang sip pa ulit nung wine ko nung may nakita ako sa aking peripheral vision to the left... Yung 'doktor' ni Ate Walter!

Sandali at usod lang ako para mag eavesdrop-

May dumaan na waiter at pinuno yung wine glass ko, oh well.

"Ikaw si G.A. ano? Hanep naman sa katawan sa personalan!"

Lumingon ako sa pinanggalingan nung boses at may isa nanamang lalakeng mukhang anak nanaman ng isa pang official. "Ikaw yung nagsusulat nung EN-2 diba?" tanong nya sakin.

Ah syempre naman nag-lean ako ng forwards ng kaunti para ipagmayabang yung spectacular cleavage ko. Tingin naman sya kaagad so win-win. "Aba'y syempre ako nga yon! Maganda na, talented pa!"

"Baka gusto mo namang exchange tayo ng phone numbers?"

Kinilatis ko kaagad yung hitsura nung nanghihingi nung number ko. Mukha lang syang isang stock Pinoy na malaki katawan. "Nah, I'll pass. Alam mo naman sa mundo ng showbiz, paputian lang yan!"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon