Chapter 13 - The Leading Man

20 0 0
                                    

-Day 2-

Ika nga sabi ni... kung sino man ulit itong itong lalakeng 'to, si Mr. Backstage, dumating na nga yung leading man.

Aba maayos ang pagkaka-damit nya sa sarili nya ngayon a. Basta hinde panget okay ako sa kung ano mang kissing scene ang kailanganin.

"Mauna na kayo dun sa kung saan kayo nag-abang kahapon. Familiarize nyo na yung mga sarili nyo sa isa't isa at madalas kayong magkasama," sabi sa amin ni Backstage tapos tumalikod na sya ulit para makipag- 'status' sa kapatid nya, kung anu man ibig nyang sabihin dun.

Habang naglalakad kami e pasilip-silip ako sa kasama ko. Hindi pa rin sya nagsasalita.

"Hey, uh... Tayo daw... hehe..."

Hindi talaga kumikibo itong kasama ko.

Pero nung matapos akong magsalita e sinilip nya yung entrance.

"Dun na tayo," sabi nya sa naiiritang tono.

Hindi ata maganda gising. Ako rin naman e. Bakit nama kasi may pasok ngayong linggo?

Naupo na sya sa pinakamalapit na upuan sa entrance nung... main lobby ata ito?

"Sabi ni screenwriter familiarize na daw tayo."

"Ayaw!"

Ano bang problema nito?

"Er... usap tayo...?"

"Ano bang problema mo?!"

Napataas ko yung kaliwang kilay ko sa taka. Sasali-Sali 'tong lalakeng 'to, mapipili as leading man, tapos ayaw man lang...?!

Uminit na yung ulo ko sa kanya kaya naglakad ako paalis pero bigla syang tumayo at hinarangan yung pinto.

Medyo kinabahan ako sa nangyari. Hindi ko kayang labanan 'tong lalakeng 'to.

"Hey, uh... Mag-uusap na ba tayo...?" Tanong ko sa kanya. Sinigurado kong hindi ako tunog takot sa kanya.

"Ayaw ko makipa-"

Biglang bumukas yung pinto at nalaglag si leading man.

Buti nga sa mokong na 'to.

May isang babae na medyo kamukha ni Mr. Backstage, baka ate nanaman nya? A.S. din kaya ito?

"Nagkaka-initan na dito a. Ano bang problema?" Tanong nya na hindi man lang pinansin yung lalakeng nalaglag sa harap nya.

"Wala! Walang nangyayari!" Biglang tayo kaagad si leading man at mabilis na nagsabi.

"May balak ata i-rape ako nitong lalakeng 'to," sabi ko sabay batok sa likod nung lalake. Yung babaeng medyo kahawaig ni Backstage e halos kasing tangkad ko lang pero dalawa naman kami in case na sinugod ako ni leading man.

"Buti nalang hindi si Muscle-Mania yung pumunta rito," sabi nung babae.

Si Lesley ata yung sinasabi nya.

"Grabe ka naman, kuya, day two palang gusto mo nang tanggalin yung sarili mo rito a," nagpatuloy yung babae.

Sa laki ng katawan ni leading man, hindi takot 'tong babaeng 'to ah. Nag-aral ng martial arts 'to malamang.

"Ah hinde! Wala akong ginagawa! Mag-uusap na kami!" Takot na sagot ni leading man.

"Seriously, narinig ko yung mga sinabi mo. Para kang unggoy na tinirador sa pwet na nadulas sa mayonnaise tapos-ewan ko na pero pogi ka naman kaya palulusutin kita."

"Seryoso ka??" Takang tanong ko dun sa babae, "sino ka ba talaga?! Hindi mo ba na-gets yung nangyari?!"

"Chill ka lang, sister, kilala ko 'tong bwiset na 'to. Sa tingin mo ba tatawagin pa ako ni Kendo kung sa tingin nya maayos na kayo rito?"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon