Chapter 111 - Going Back to Square One

1 0 0
                                    

-Day 128, Wednesday, May 23- 


Halos lampas nang isang linggo since nung gabing yon at wala pa rin akong natatanggap na tawag? Ano na kaya? Hindi naman nya sinasagot yung mga messages ko sa kanya! Am I doing something wrong? Eh paano kaya kung nagpasundo nanaman ako kay Thunder okay lang ba? What could I be doing wrong?

Nagtitingin na ako ngayon sa kanilang Facebook page at nakita ko ng tuloy pa rin yung kanilang standard operations sa kanilang mga 'advertisements' pero mostly tungkol lang dun sa mga comments about sa Pinas nung mala-supermodel na nanay nina Ate Walter... not so sure about sa tatay nila, looks normal to me.

Anyways, wala pa rin akong nakuhang sign...?

Sumandal ako sa sandalan nung upuan ko habang naka full costume na metal bikini. Napapansin ko yung mga lalakeng crew eh napapatingin sa'kin pero... naka metal bikini ako eh, expected ko na yon naman lagi.

"Hey Pochi," kalabit ko sa katabi kong bakla. "Baka naman pwede pa nating ayusin yang script? Eh heheheheee..."

"Inday namaaaaan! Hindi na nga ako bumabanat noon eh pero pinipilit mo na talaga ako! Bakit ba kasi puro hirit ka nalang sa pag-aayos nitong palabas natin?"

"Eehhhh kasi... pumapanget na eeeeehhhhhhhhhh... Gusto ko lang sana ibalik ito sa dati nyang quality..."

"Inday, parang career na career mo nanaman 'tong pag-aayos na 'to ah... Meron ba akong details na hindi nalalaman haaa?"

"W-wala naman, gusto ko lang naman ibalik na yung EN-2 sa dati nyang glory... pinagtatawanan na tayo ng ibang bansa eh-"

"Bahala sila sa buhay nila! Tingnan mo naman ang bright side! Or should I say, the SHINY SIDE! Bilyon-bilyon na ang kinikita natin sa mga haters natin! AHAHAHA! Panalo tayo!" Lumapit yung mukha na sa akin. "Gusto mo bang malaman yung mga kasama ko gabi-gabi?"

"Pochi, alam kong kumukuha ka ng mga escort pero ibang bagay na 'to! Promise!"

"Inday, parang bigla ka na nga lang na nagsasalita na dyan tungkol sa pag-aayos mo rito sa palabas natin eh at nanghihinala na ako alam mo ba yon? Kasi nakilala na rin naman kita at alam kong gumagawa ka rin ng mga kalokohan mo pero..."

"P-pero ano...?"

"Iniwan mo na itong pag-aayos gig mo rito at ngayon eh parte ka nalang din ng mga artista dito pero bakit ba naisipan mo nanaman hmmmm???"

Napa-atras ako sa sinabi nya sa akin. "Uuuhhh... kasi pumapanget na nga...?"

"WRONG!"

Medyo napalakas yung pagkakasabi nya nung at yung mga ibang tao eh naglingunan na kaagad sa amin pero nung nalaman nilang si BAKLA lang iyon eh balik na ulit sila sa taping nila.

"Dyan ka nagkakamali inday! As a master of the matters of kabaklaan and kalandian..."

Tinitigan nya ako ng may mukhang... parang isang baklang naka-alam ng sikreto-wait what-?!

"May gusto kang iimpress noh...?"

"Ah-eh... uh ano kasi-uh... Gusto ko lang naman ayusin yung palabas ulit! Ano ka ba naman Pochi! I'm completely normal!"

"Ah hahahaha! Ikaw pa inday... alam kong gusto mong ibahay yung mga models natin pero hindi pa kita nakitang umarte ng ganyan... sino ba yan ha? Gwapo ba yan ha?!"

"Aaahh ano kasi-WALA LANG 'YON! Ano ka ba naman ay sus!"

Natigil yung buong set at natitig silang lahat sa akin... Okaaayy... this is getting awkward... I think pinagpapawisan nanaman yung noo ko eh...

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon