Chapter 54 - Under the Tent [Part 3]

11 0 0
                                    

-Day 35, Wednesday, February 19-


Matapos makisali sa isa nanamang BBQ fest ni Thunder at magtanong ng sobrang daming beses saan nya nakukuha yung pera nya, naglakad na ako dun sa Medivan.

'Tong si Thunder naman, parang kanina lang sinabihan na sya dapat bantay nung ate nya balik nanaman dito.

Magsama kaya ako no? Nah, masyadong secretive 'tong organization na 'to, malamang magagalit pa sakin 'tong mga 'to kapag nagsama ako eh.

Buti naman mahangin ulit ngayon, at mas grabe pa since medyo naglipat ng mga mobile homes para mas malapit sa Fish Street ika nga kung tawagin.

May dala akong isang plastic ng BBQ just in case lang na gusto nila.

Malipas ang ilang minuto eh nakita ko na yung destinasyon ko. Nakabukas yung ilaw sa labas pero wala si Kendo dun.

Nah, katok nalang ako.

Nung naka-abot ako, bigla akong napa-isip, sumilip kaya muna ako sa-

Yung blinds nakababa ulit, how predictable.

Pumunta na ulit ako dun sa pinto at kumatok ng mahina, baka magulat pa si Selena eh, kung gising pa sya.

Tumingin ako sa relo ko, 7:50pm, medyo maaga pero who cares? 10 minutes nalang naman na eh.

Maya-maya pa e may nagbukas na ng pinto.

Yung kapatid pala ni Kendo.

"Hoy bilisan mo dyan! Nandyan na sila-! Nevermind, talo na tayo."

Parang si Kendo yun ah.

"Er," umalis yung kapatid nya.

Sumilip ako sa loob, at nakita ko na naglalaro pala sila sa android tablets nila. Si Selena nakahiga lang nagbabasa ng libro.

Napatingin si Kendo sa akin.

"Oh, nandyan ka na pala..."

"May iniistorbo ba ako dito?"

"In fact, kakatapos lang namin dito eh, sandali lang abang ka na dyan sa labas."

Lumabas na ulit ako at sinara yung pinto. Dapat ba sinabi ko na rin na may dala akong BBQ ngayon? Eh, abang ko nalang si Kendo.

Malipas ang ilang segundo pa eh lumabas na sya, nakasuot lang ng maluwag na shorts at generic puting sando. Medyo minadali pa ata yung suklay.

Anyways.

"Seryoso ka talaga dito eh no?" Sabi nya sakin nung bumababa na sya ng van, sabay tingin kung saan-saan, "hindi mo naman ako siguro nirerecord diba?"

"Napaka-paranoid mo naman, hindi lahat ng tao balak kang siraan, alam mo ba yon?"

"Heh, antagal ko naman na silang hindi nakikita eh kaya meron pa rin akong right para maging paranoid."

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa beach.

"Anong gagawin natin dito? Meron akong BBQ oh," sabi ko sa kanya sabay angat nung dala ko, "dinamihan ko sauce nyan."

"Er, uh... okay..."

"Ayaw mo?"

"Gusto ko, bakit?"

"Thank you naman pare... Parang hindi ka marunong eh..."

"Nang-aasar ka nanaman ba? Kung ganon pala e alis na pala ulit ako, sinira mo na yung mood eh."

"Woops, continue."

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon