-Day 292, Saturday, November 3-
"Ah hehehe maganda 'tong palabas na 'to! Title pa lang oh! Maganda na-I mean panget na! Maninira nga pala tayo ngayon hehehe!"
Sinubukan ko nang isaksak 'tong CD sa CD player na nandito sa hotel room- come on! Nanginignig na yung kamay ko para lang-there! Finally.
"Ano title ulit?" tanong ni Kendo sa'kin.
"Ah Condo Buddies! Nothing special! Released lang naman 'to parang kelan lang! Hahahaaa..."
"Hey uh Mari, lika nga rito. Parang may mali na rito eh."
Lumingon ako sa likod at halos malaglag ko na yung CD na dala ko. Nakita ko si Kendo na nakaupo na sa dulo nung higaan at nagsesenyas na lumapit ako sa kanya.
Uuuhhh sure lang!
"Wait lang! Nandyan na'ko!" Nagmadali na akong umakyat nung higaan at tinabihan ko na sya dun... Pero syempre check muna kung may pawis sa noo. Anlaking ngiti ang binigay ko sa kanya. "Ano yon?" tanong ko.
"Hindi pa naman magpa-play yung TV diba? I got something muna sayo..."
Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya sa'kin! Ano daw?! May sasabihin din ba sya sa'kin?! Hindi kaya ito na yon at hindi ko na kailangan pang gumalaw kasi may cheap ending din naman kami?! Is this it?!
"Pansin ko lang naman din na muhkang mahirap din naman na sabihin mo eh kaya pwedeng 'wag na lang. Pwede naman tayo magchill nalang dito eh kung hindi mo naman masabi yan-"
"Ah kailangan na talaga kasi aalis na kayoh! I need to do this now!"
"May isang buwan ka pa-"
"There is no time! Aalis na kayo at baka hindi na umabot!"
"Ano ba kasi?!"
"Uuuuhhhhhh... You know what? Nood nalang kaya tayo? Okay?"
"Uuuhhh yeah sure... go ahead."
Gamit ang last remaining stability ng kamay ko, kinuha ko na yung remote at pinindot ko na yung 'Close CD Tray' at 'Play' at baka naman mabawas-bawasan naman ang kaba.
"Ano ba main plot nito eh?"
"Ah-ano-ano kasi uh..." Ano bang sasabihin ko?! Alam ko plot nitong story na 'to pero baka spoilers at baka mahalata na nya kaagad! Ano na?! Uuuuhhh nagmadali akong kinuha ko yung kumot ko at nagtaklob na kita lang mukha. "Ano yan... horror hehehehe..."
Kinuha ni Kendo yung remote at pinindot nalang yung pause. "Mukhang seryoso ng secret na yan ah. Naaalala ko lang din nun na kailangan ko pang buksan yung TV bago ko sabihin na may bagsak ako sa grades bago ako hambalusin ng sintoron." Napansin kong napakamot nalang sya sa ulo at nagpatuloy pa ulit. "Mari, wala namang magkukulong sayo rito para matulog ka sa labas, bakit hindi mo nalang sabihin ba yan para magawa ko na kung ano man yon?"
"Ah-eh... Hindi naman sa ganon! Maliit na bagay lang! Kaya nga tri-neat na kita ng steak eh! Madali nga lang diba sabi ko sayo kanina? Isang salita lang tapos na? Kinakabahan lang ako eh heheheheeee..."
"Ah sige take your time... wala pa namang gagawin eh. Sina Son at MonGal eh nasa petshop somewhere bibili ng ewan..."
"Ah hahaha! Oh sige patuloy na tayo!"
Medyo nalakasan ko lang yung sinabi ko at pinindot ko na yung play button.
"M-ma-ma-manood nalang tayo, ye-yes...?"
"Niloloko mo na ata ako eh, ayoko ng horror ah! Ayoko ng mga nanggugulat nalang eh-oh wait Condo buddies nga lang pala yung title hehehehee..."
"Hahahaha sandali tabi nga ako sayo hihihihi!"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...