-Day 28, Wednesday, February 12-
"G.A.! Tara sama ka sakin, punta tayo sa kabila! Puntahan natin sina A-1!" Sabi sa akin ni Xyra sabay alog ng balikat ko at halos malaglag na ako sa upuan.
"A-1? Sino yon? Kilala ko ba yon?"
"Si A-1? Yung nag-manage sa atin nung nag-promote tayo sa Daimler? Nalimutan mo na? Yung tropa ko na nagtatrabaho sa kabila!" Sabi ni Xyra sabay dampot nung pineapple juice ko na naka-patong lang sa mesa at inom kaagad. "Hwow naman! Hindi ko alam na ganito pala ka-refreshing itong drink na 'to!"
"Ah sige! Kelan tayo alis?"
Nagturo si Xyra ng isang direksyon, na nahalata ko kaagad na yun yung direksyon kung nasaan yung set ng Bayani sa Silangan. "Heh, tatakbuhin lang yan, in ka?"
"Alam mo, biggest fan mo ako pero-"
"Isang kilometro lang yan! Kailangan ko na rin ng work-out! Ano ka ba naman, alam mo namang ang ikli-ikli lang ng isang kilometer nohhhhhh!"
Halatang sa akin nya ginaya yang maglagay ng 'H' sa dulo ng mga salita ko ah, "ikaw wala ka na ring originality noh?"
"Ah basta, in ka ba o hinde? Kasi kakarerahin kita dun in a minutes!"
"Huminahon ka nga lang dyan, Xyra, at may tatanong nga lang ako sayo."
"Eh...?"
"Bigla ko lang naalala yung sinabi sa akin ni Thunder kahapon, "totoo ba na galing ka sa Philippines Got Talent?"
"Nanonood ka ba ng TV? Kasi imposible mo akong ma-miss kung nanonood ka. Kung biggest fan mo ako-"
"Naging biggest fan mo lang ako sa mga movie projects nyo under Grimrose TV, at hindi dun sa Pinas ay may talento."
"Grand Champion lang naman, no less. Dinampot ni Thunder para pakitaan daw yung ate nyang malandi na posibleng magkaroon ng isang magaling na dancer na hindi magiging sobrang landi sa mga lolo."
"May boyfriend ka na ba?"
"Wala pa, at wala ring balak. Hindi ko nga alam bakit parang adik kayong mga babae dyan, marami pang pwedeng mangyari!" Tumingin ulit si Xyra sa lokasyon ng Bayani sa Silangan at sa akin, "handa ka tumakbo?"
"Sakay nalang tayo kay Thunder, hindi pa nakakapagod."
"Ikaw sakyan mo si Thunder mamaya, punta na tayo ngayon naaaa!"
Biglang kinuha ni Xyra yung pineapple juice ko at biglang takbo sa disyerto. "BILISAN!"
"Hayz naman..." Tumayo na ako at nagsimula nang lumakad ng mabilis hanggang sa napatakbo na ako.
Mahangin ngayon kasi nga pababa na yung araw. Ngayon e extra presko pa, bakita nga pala ngayon lang bumuga yug malamig na hangin galing sa karagatan.
"INTAAAAAYYY!" Malakas na sigaw ko kay Xyra, na anlayo na ng lamang sa akin.
Nakita ko na unti-unting bumagal si Xyra at lumevel sa akin, na dala-dala pa rin yung juice ko.
"Alam mo namang hindi ako tumatakbo eh!"
"Too bad! Hindi kita marinig!" Sigaw ni Xyra sabay inom ng juice ko at tapon nalang yung juice box sa disyerto. "Ayan naaaaaa!"
"Ang alin?!"
"Ah basta!" Sinigawan nalang ako ni Xyra sa takbuhan namin at nauna na sya.
Para namang magpapa-iwan ako at magpapatalo sa posisyon ko na biggest fan...
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...