[145] - Epilogue
-Day 357, Saturday, January 2-
"Alright iha kailangan namin ng opinion nung boyfriend mo rito, dito, dito, at dito!" madaling sabi ni Mrs. Aparador sabay turo sa mga folder na nakalagay sa taas ng desk nya. "Baka pwede siguro na sabihin mong bilisan kung pwede."
"Hmmph, 'yun pa?! Ito lang po ang mga ideas nyo? Heh, ma'am, walang binatbat sa kanya 'to sinasabi ko sa'yo-"
Pareho naming narinig na tumunog 'yung bagong set-up na computer sa office ni ma'am na parang may dumating na e-mail.
"See? Sinend nyo na kasi 'yung episode 1 sa kanya eh, natural lang na tapos na nya 'yan in two hours. Galing no?"
"Ah sinabi ko na nga sa inyo na pilitin mo eh, ayan tuloy. Dapat nandito na rin 'yun eh!"
"Heps! Decision nya 'yun ma'am, ako na bahala dito from now on."
"Kung ganon naman pala eh ikaw nalang din pala since sabi mo naman din na nagpapadala sya ng guides sa'yo eh kaya pareho lang din naman."
Pansin kong parang napatingin si Mrs. Aparador sa suot kong sweater.
"Sino nagbigay sa'yo nyan?" tanong nya sa'kin.
"Ah si Ate Walter lang noon pa, ganda no? Hand-made po ito!" Tumalikod pa ako para ipakita yung ice cream design sa likod ko.
Napatango nalang sya. "Oh sige, alis ka na muna at marami pa tayong gagawin bukas."
Aalis na sana ako nung bumalik ulit ako sa kanya. "Ah ma'am, may sinabi sa'kin si Kendo na kulang daw kayo sa mga kontrabida rito? Baka naman pwede ako nalang dun sa line na 'yun oh!"
"Paano nya nalaman?!"
"Pansin kasi nya po na lagging isa lang yung gumaganap na kontrabida nyo eh."
"Obvious na ba?"
"Malamang hinde, sya lang nakahalata eh. Alam nyo naman po yung BF ko sa mga ganyang bagay. Pero if ever na kailangan nyo ng kontrabida eh lagi akong handa dyan! Kaya nga retokado na diba???"
"Kaya ba ang role, iha?"
"You can count on me, ma'am!" sabi ko sa kanya sabay salute. "No problem ma'am!"
"Oh sige, alis ka na muna at marami pa tayong gagawin bukas."
Tumango nalang ako sa kanya bago ako umalis. Nag e-mail naman na si Kendo eh kaya malamang eh 'yung guides nung next projects nila nandun na, kung tatanggapin man nila 'yung mga suggestions nya that is.
Naglakad na ako paalis at napadaan sa bintana on my way downstairs. Hmmm, gabi na pala, hindi pa ako kumakain. Nah, sama ko nalang ni Daryl mamaya.
"Magandang gabi, babaeng malaki, ano na balita sa high command?"
"Wow Carson, babaeng malaki? Seryoso ka dun ha?"
"Sa height kong ito eh kapag kinakausap kita eh hindi ko na nakikita 'yung paa mo, kaya I stand by sa sinabi ko, diba no Chief?!"
Hindi ko na alam pero nakita ko 'yung chimpanzee na kasama nya eh nag-bow sa kanya. Kung magaling sya sa animal training, then so be it. "Sabi ni ma'am assemble na raw kayo dun sa projects nyo. Tatapusin nalang naman na daw. Maikli lang naman na eh."
Naglakad na si Carson paalis at dumiretso na ako sa tunay na pupuntahan ko.
"BAKLA! Magpakita ka nga'yon din!" napasabi nalang ako nung naparating na ako sa isang hallway na may ribbon sa itaas. Paskong pasko pa rin naman talaga rito sa BT-7 eh.
"BAKLA at your service, ano na raw balita?" sabi ni Kuya Pochi, na parang cartoon na bigla nalang lumitaw on thin air.
"Sabihin mo dun sa group B na tuloy 'yung outing nila bukas, take note lang sa traffic. Sabihin mo sa group C na aayusin nila 'yung script dun sa intro nung loveteam. Sabihin sa group D na magkakaron sila ng major revision."
"At paano naman sa ating mga A's?"
"Tayong mga A's eh maraming trabaho bukas na bukas ng umaga. I demand lahat kayo na dumating on time na parang mga tunay na working citizens ng Pinas!"
"Wow, ate, heroic ka nga'yon ah, may nangyare ba kagabi ah?"
"Wala. Utterly wala talaga. Now if you may excuse me eh hahanapin ko pa 'yung leading man ko."
"Sa Papa Daryl umuwi na kanina pa. Nasan na ba kasi 'yung kuya mo ha?"
"Umuwi na rin, BAKLA, abangan mo nalang bukas bago mo ibigay 'yang love letter mo sa kanya, got it? Sabihin mo na rin kay Pug na kulang sya magbigay ng tubig kanina."
"Masusunod darling!" Tumalikod at naglakad na paalis si Kuya Pochi na parang isang Miss Universe sa stage. I need to learn that someday.
Nanginig 'yung phone ko.
'Hey! Wala istorbo dito ah, nandito lang kami sa hotel! Got it??'
Heh, itong sina Miggy't Ellie talaga oh... hindi ba talaga sila titigil sa kanilang hotel... stuff? Bago ako umalis eh ganito na 'tong dalawang 'to ah.
Bigla kong naalala sina Danica at Chel. Matagal-tagal pa 'yung mga gagawin ko rito.
Humangin ang malamig na hangin galing sa isa nanamang bintana katabi ko lang at napasilip nalang ako sa labas. Gabi na nga nandito pa rin ako eh, eh trabaho na eh, what can I say?
Napalingon nalang ako sa baba at Nakita ko si Christian may kasamang isang babae. Welp, kahit sya na rin eh, umalis lang ako sandal eh nakahanap na agad ng replacement. Sana naman hindi ako matulad sa kanya at baka patunayan ko lang ulit si Kendo.
Napatingin nalang ako sa langit at may nakitang isang learjet na dumaan lang ng mababa dito sa BT-7.
Wow way to go Kendo ah... alam talaga nya kung kelan sila makakadaan dito sa building, buti naman at nabasa ko 'yung text nya kanina.
Well...
Good luck out there...
Kahit na magsisimula pa lang 'yung work natin dito...
Author's Note: [October 29, 3:30 pm]
Finally it's done, after months of daily updates it's finally done!
Not sure ulit kung may makakabasa pa nito pero proud ako sa mga actually binasa ang Actress in the Making ng buo... kung meron man... in the following years.
Hindi nga ito your basic possessive abusive dominating boyfriend pero at least may aral na mapupulot dito in the form of side characters that actually do anything instead na magsabi ang ng info about sa mga lalake.
Actually nagsimula 'to nung mapadaan ako sa mga 'genius' 'smart' intelligent' girl fiction na hindi man lang matalino at puro kalandian lang. Okay lang naman since... after all... bata lang 'yung nagsulat at gusto lang nya gumawa ng fiction nya pero...
Dito ko sinimulan ang storya ng AitM, gusto ko ng isang aktual na matalinong character kaya nabuo si Artur Rezyon, aka Kendo. Lintek na ang hirap nyang pagsalitain, dapat unique, dapat iba talaga. Ang tunay na mga matatalinong tao puro idea ang ulo at hindi nagsasabi lang ng mga random internet trivia tungkol sa World War 2. In 2 years, nabuo na 'yung final outline nito.
As for Genesis Aurora Tangkad, sya lang talaga 'yung basic Wattpad protagonist na tinambakan ng bil'yon-bil'yon na pera at good enough amounts ng personality.
Isang writer at isang artista, go figure.
At sa mga supporters ni Lyn? Not really sure kung may magbabasa pa naman nito kaya...
I dunno...
[END]
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...