Chapter 38 - Advertising Hacks

4 0 0
                                        

-Day 20, Tuesday, February 4-


"Wow!" Hindi ko talaga matiis pero napasigaw na ako sa graphics. Hindi ko inakalang ganito ang kakalabasan.

"Grabe yan ah..." Komento ni Ashton, na nasa tabi ko lang. "Parang kanina lang e mukha kang tanga na tatakbo-takbo sa disyerto."

"Hah! Tapos umiilag na ako sa mga meteors!"

"G.A.... parang may mali sa sinabi mo pero pagbibigyan ko nalang..."

Kitang kita ko na nganga pa rin si Ashton sa ganda ng graphics habang tumatakbo kami sa disyerto.

"That, gentlemen, is what this country can do. I dunno what you guys are talking about lacking technology..." sabi ni Lesley sabay patay na ng TV.

"Budget!" Sabi ko sa kanya.

"I got no time for stock answers. So, I'll be leaving you guys now?"

Inabangan naming ulit na umalis na si Lesley sa tent. Hapon na, pero grabe ang liwanag sa side kung saan sya umalis.

"Huy! Sorry talaga noon ah, baka natakot ata kita..."

Naramdaman kong may kumalabit sa tagiliran ko. Pagtingin ko sa kanya e sya pala yung na-hyper sa kape nung isang umaga na yun nung Sabado ata.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Ashton.

"Tanong ko nga lang sa inyong dalawa... Bakit nga pala kayo sumama samin dito?" Tanong ko naman sa kanilang dalawa, yung babaeng nahahyper sa kape at yung pinsan nya.

"Magsosorry daw sya," sabi nung pinsan nya.

"Pakilala naman kayong dalawa pls. Huwag na 'wag kayong matutulad dito kay G.A. na halos lampas dalawang linggo na hindi ko pa rin alam pangalan," sabi ni Ashton sabay tapik sa braso ko.

"Wow, acronyms lang talaga ano?" Komento nung pinsan nung babae sa harap ko.

"Grabe pagtitripan nyo talaga ako noh?"

"David Alexander," sabi nung lalake sa sarili nya sabay turo sa kasama nya. Pero nung magsasalita palang sya e sumabat kaagad yung pinsan nya.

"Laurie Regalo!"

"Bakit nga pala yung apelido mo parang foreigner? Hindi ka naman mukhang half sakin ah..." Komento ni Ashton kay David.

"Ikaw nga Ryder apelido mo eh, hindi ka rin mukhang half eh," sagot naman din nya.

"OK, so ano ba talaga pakay natin dito ah?" Tanong ko sa kanilang tatlo.

"Actually wala lang talaga, baka kasi nawierduhan ka sakin nung umagang yon kaya kakamustahin lang kita kaya... yun lang talaga hehehe."

"Ok lang kung ganon! O sige larga na kayo!"

"Cheers mates!" Sabi na rin ni Ashton nung umalis na sila.

"Finally! May nakilala na tayo bukod sa mga A.S.! We're finally making progress!" Sabi ko sabay tayo papunta sa TV.

Sinubukan kong buksan since mamaya pa ulit ang taping ko pero ayaw na. Alang'ya, baka natanggal na sa main electricity outlet-ewan.

"Ako magtitingin muna ng- ano to?!" Napalakas yung sabi ni Ashton nung napatingin sya sa cellphone nya. "G! Tingnan mo oh!"

"Ano yan?" Lumapit ako sa kanya at sumilip sa cellphone nya.

Nakita ko yung FB page ng Pinagpala at may post si Thunder na may comment na-

'I dunno where do I post this but here ya go. For all of you demanding a new pic of Selena here. We should've made sure that every AS has their pic here before we start.'

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon