-Day 58, Friday, March 14-
"Ito talaga yung mga gusto mo eh no?" tanong ko kay Kendo nung lumakad na ako at umupo katabi nya sa sahig na katabi ng higanteng higaan ko sa higanteng 25-square meters na bedroom ko.
"Uh huh, peacfeul lang... tahimik... walang istorbo... makakapag-isip ako ng tama-yung kurtina istorbo."
Tumayo ulit ako, pumunta sa balcony at inayos yung kurtina para makita nanaman namin yung the night sky... crescent moon ang ngayon pero it's well worth it naman yung view. Lumapit na ako at tumabi na katabi nya at inabot ko na yung switch at biglang nagdilim na yung buong kwarto. Ika nga sa sabi ko, hindi full moon pero maliwanag naman na para meron kaming faint moonlight dito sa higaan habang nakaharap sa balcony.
"Ganda nito no?" sabi nya ulit sakin, "Anong oras na ba?"
"9 na, sabihin mo nga sakin ano bang meron dito sa full silence na 'to? Eh kahit kelan naman hindi ko kayo nakita ni Lyn na nananahimik lang eh. Oo nga nakita ko kayo noon sa balcony ni Thunder dun sa party sa mansyon nya noon pero nag-uusap kayo non eh."
"Eh iba naman kasi yon, meron kaming pinag-uusapan." Lumingon sya sakin. "Eh paano tayo? Lahat naman ng sinasabi ko eh hindi mo naman naiintindihan."
"Uh... ganon... na nga..."
"Kaya naglandian lang tayo sa pool kanina eh, alam ko naman na yun lang ang gusto mong gawin."
"Sandali lang... eh-"
"Talaga bang nakaka-apekto sa goals ang pagiging billionaire by default? Wala ka na bang gustong gawin kundi ang pag-aartista?"
Medyo napahinto ako sa tanong nya. "I never thought of it that way... wala na talaga... bakit?"
Napabuntong hininga sya bago magsalita, "Eh ganon naman talaga eh."
"Eh paano nalang kaya kung ikaw naman ngayon? Sa tutal na-entertain mo naman na ako kanina eh. Let's see what you have to say ngayon."
"Eh ganun na nga eh... wala ka namang mage-gets don, pwede ba iba nalang? Honestly nakakatamad nang makipaglandian sayo eh, parang yun nalang kasi yung lagi nating ginagawa... wala na ba talagang iba pa?"
"Uhh... ano kasi eh... eh simpleng tao lang ako."
"Yun na nga yon eh..."
Huminto muna kaming dalawa nung may preskong simoy ng hangin ang umihip samin galing dun sa nakabukas na balcony.
"Hey Kendo... Akala ko ba eh bawal ako sa personal space mo?" Napatanong nalang ako sa kanya nung napansin kong medyo abnormally anlapit nya sakin. "Pinapa-init mo nanamn yung mukha ko eh."
Mabilis naman syang umusod paalis. "Hindi ako gumagalaw, lumalapit ka lang." May tinuro sya sa baba na napatingin naman ako, "Ayan yung linya nung tiles kung saan ako naka-upo kanina pa, lumalapit ka lang."
"Alam mo Kendo, sabagay eh nag-uusap naman na tayo rito eh medyo personal lang pero... may kinalaman ba yang mga reklamo mo na walang tumatagal sayo kaya yung mga GF mo noon eh mga ilang buwan lang?"
"Yeah, bakit naman?"
"Hindi mo ba naisip na tatanda ka nang mag-isa kung ganon? Hindi naman yung dun sa kapatid mo eh. Tao ka pa rin, di ba kailangan mo pa rin ng intimate attachment?"
"Tinigilan ko na yan. Wala namang mararating yan eh. Hindi naman ako pwedeng magreklamo kasi magiging reklamador na ako kaya tinigilan ko na yan, alam mo yun?"
"Kelan pa naging mali humingi ng tulong ha? Counted na ron ang mag-reklamo."
"Matagal na rin, antagal-tagal na hindi ko na maalala kung kelan pa."
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)