-Day 50, Thursday, March 6-
"Ma'am, bale yan na po yung progress ko dun sa script," sabi ko kay Ma'am Headwriter sabay bigay sa kanya nung mga scribbles ko rin. Sinigurado kong hindi i-mention si Danica just in case lang na mag-komento nanaman sya... Since may pagka-racist 'tong writer na 'to I guess...
"Aber, patingin nga..."
Naupo lang ulit ako sa upuan sa harap ng desk nya habang binabasa nya yung mga plot points na ginawa namin ni Dan kanina-nina lang.
"Er, Ma'am, bale inayos na rin ni kuya yung lore nyo since sa tingin nya mas bagay yan. Na-connect pa nga nya yung Enchantine 1 eh! Look!"
"Aba! Yung kuya mo pala eh sobrang fan ko eh no??"
"Er, yeah... kaya nga andami nyang inayos eh, kasi nga fan na fan nya kayo."
Hindi na ako makapaniwala na hindi man lang nya napansin yung obvious sarcasm ko.
"Bale isang barbarian war sa isang alternate dimension?"
"Sa tingin po kasi ni kuya eh yan nalang ang paraan para isalba yung connections ng Enchantine 1 sa 2 eh, ano pong sa tingin nyo?"
"Hmmm..." Huminto muna si Mrs. Aparador sandali at kinilatis pa yung mga scribbles namin ni Dan bago magsalita muli, "Meron nga lang kulang, nasaan na nga pala sina Pug at Laiza?"
"Sino ho si Laiza?"
"Si Laiza? Yung gaganap na Garena? Yung may flame powers...? Naaalala mo na?"
"Aaaaahhhh yun?! At si Pug? Ano naman po sila?"
"Eh bakit wala sila rito?"
"Ah kasi babangga sa lore contradictions kapag lumitaw na sila kaagad ng ganyan kaaga kaya dapat ho mausod sila. Kapag lumitaw ho sila ng mas maaga pa eh mawawala na yung sense nung itsorya at mawawalan na ng pake yung mga taong umintindi sa lore natin, gets nyo po?"
"Oo nga pero bakit nga wala pa sila rito? Gusto ko maaga sila!"
"Er, ma'am, sinabi ko na po diba? Kapag lumitaw ho sila eh-"
"Eh gusto ko lumitaw na sila ng maaga eh!" sabi sakin ni Mrs. Aparador sabay ikot ng papel na binigay ko sa kanya at turo sa isang parte sa bandang taas. "Pwede ba silang isingit dito sa mga bandang una?"
"Er... ma'am... hindi po pwede yan..."
"Nonsense! Mga Pinoy tayo diba? Ang mga Pinoy ay creative at gagawa tayo ng paraan! O ngayon pakinggan mo itong brilliant plan ko!" sabi ni Mrs. Aparador na sobrang proud, I wonder kung ano yung naisip nya, siguro naman maayos na yon at hinde-
"O sige makakakita sya ng lalake..."
Bigla nalang nag-shut down na yung utak ko nung narinig ko yung lalake sa sinabi nya. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi kami gagawa ng isang palabas na landi-fest?! Tatatawag-tawagin ako tapos hindi naman pala makikinig ng mga suggestions ko... ba naman yan oh...
"Oh ano sa tingin mo?"
Oh... tapos na pala sya. Tiningnan ko nalang yung mga pinagsusulat nya dun sa papel na dinala ko rito.
Hmmm...
'Garena meet barbarian lalake. Intro ng soon-to-be third wheel habang si Pug naghahanap ng mga ancient artifacts.'
I can't believe wala man lang sya atang binasa niisa sa mga nakasulat eh... Kahit ako kitang-kita ko rin naman na walang sense ang isang treasure hunt sa isang fantasy na naka-focus sa isang malawakang labanan across the lands... especially ganito kaaga.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...