Chapter 90 - Motivational Package

4 0 0
                                        

-Day 54, Monday, March 10-


Ah! This is the life! I never knew na darating din 'tong panahon na 'to! Whew! Grabe! Ansarap ng feeling! So ito pala ang tunay na buhay ng isang bilyonaryo eh?

Inangat ko yung sunglasses ko at sumilip ng oras sa phone ko, "Hmmm... maaga pa."

Nag-stretch lang ako sandali dito sa hammock ko by the pool at nahiga ulit ng maayos.

Teka medyo nauuhaw ako, "Kuya, pasa naman nung OJ oh! Kanina ka pa dyan eh"

Inabot naman nya sakin kaagad, hindi ko na napansin na parang abutan lang kami rito sa dalawang hammock by the poolside.

"Di pa ba tayo aalis...? Mga 9 na rin eh no?" tanong ni kuya sakin. "Akala ko ba dapat maaga tayo?"

"Nah, hayaan mo sila, naaalala mo pa ba nun nung nasa university pa tayo?"

"Ewan ko sayo kasi maaga akong umaalis sa uni dun sa France eh. O yung sinasabi mo eh nung highschool pa lang tayo?"

"Bro, nung highschool palang tayo, naaalala mo ba non nung magpapasa tayo nung requirements tapos yung inaabangan natin eh 2 hours late pa? Ganito na talaga kapag buhay mataas-na-ang-posisyon."

"Uh ganon? Akala ko ba eh inaabangan ka na nung crew mo? Kelan ka pa nagkaron ng crew," sabi ni kuya sabay sip nung OJ nya at usod ng kaunti para bilad pa rin sya ng araw.

"Handa na ba yung French mo?"

"Hindi naman talaga ako mala-French eh, tumatambay lang kami nung mga half-Pinoy lang din dun. Ano ka ba naman, ilang buwan lang naman ako sa France no! Akala mo siguro pabalik-balik ako dun no?!"

"Kuya, hayaan mong isipin ko ang gusto kong isipin." Napatingin na ulit ako sa oras dun sa phone ko. "Heps! Looks like larga na tayo!"

"Kakasabi mo lang mamaya pa tayo ah, hindi pa nga ako naliligo eh! Kita mo nagta-tan ako rito oh!"

Inangat ko yung sunglasses ko sa kanya, "Bud, yung crew na yun kailangan na talaga ng motivation, pre, kailangan na nila ng presence mo run!"

Umalis na si kuya sa hammock nya, nag-inat, at nagsabi, "O sige engot, sinabi mo eh-"

Pareho nalang kaming natigil bigla, nagtinginan, at napangiti ng abot tainga hanggang sa mukha na kaming mga tanga rito, at sabay na napatingin sa garahe.

"MAY SINABI BA?!" malakas na sabi ko sa langit.

"WOOPS! LOOKS LIKE WALA EH!" sagot ni kuya sakin.

"WELP! ALAM NAMAN NATIN YUN EH!"

Parang cartoons na napapanood namin nung bata pa kami, eh mabilis kaming nagsitakbuhan papunta dun sa garahe, hindi ko na alam kung yung mga dala-dala naming orange juice eh umikot muna bago malaglag... welp... eh baso lang naman yon eh, madali namang palitan yun!

"Look tanga! Nandun na sya!" sabi ko kay kuya nung binilisan ko pa lalo yung takbo ko across dun sa auto-watered naming garden. Nagtaka nalang ako kung mayroon bang nakakakita samin dito galing sa mga ibang bahay sa paligid.

"Kapag ako nauna! Ako magmamaneho!"

"Asa kah!"

Nagtatakbo na kami all the way papunta dun sa garahe... pareho naman namin na naabot yung pintuan ng sabay kahit na mas nauna ako pero... nah...

"Isang scan ng braso sa scanner na 'to..." sabi ko sabay lapit at scan ng braso dun sa scanner sa tabi ng garage door.

"At bubukas na! Pili ka na kotse dyan, engot! Kunin ko na yung electric guitar ko!"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon