-Day 278, Saturday, October 20-
Story? Aba'y pinagkakatiwalaan na nya ako! Finally! Maybe hindi na ako isang piraso ng basura sa paningin nya! Maybe I'm finally special after all!
Inalis nya yung lumang puting mobile wifi at nilagay sa mesa kung saan nandun rin yung mga projects nila ngayon.
"Ilang buwan na rin naman na yung dumaan, I think it's time na talaga para rito. Siguro naman na hindi mo 'to pagkakalat diba?"
"You can count on me!"
"Okay..." Lumingon sya ng isang beses dun sa mobile wifi at tapos sa'kin naman ulit. "Bibigay ko na sayo yung honors na buksan yung battery case nyan."
Baka may message na nakalagay dun sa loob?! Maybe may message about sa isang tanong na magsasabi na gusto nya akong maging girlfriend?! Baka hindi ito na talaga yung aktual na kukumpleto sa stories nya?! What could it be?! Oh My God!
Medyo nanginginig na yung kamay ko at binuksan ko yung likod nung mobile wifi at-
May isang maliit na flash drive na pang-tablet imbes na battery yung nasa loob nung case.
"Uh-ah-uh-a-a-a-a-no ito...?!"
Nginitian nya ako ng mahinahon at lalo pa akong kinabahan! Ito na kaya ang-
"Hindi yan ang flash drive na iniisip mo. Parte ng storya ko talaga yan... now cool down ka na at maririnig mo na ang prime factor ng success ko rito. Hindi nga magiging tunog inspiring para sayo pero malaki ang impact nyan sa'kin."
"He heheheheheheeeeee... s-s-s-s-sorry... Wait what?! Eh ano yung sa tingin mo bang iniisip ko ha?!"
"Now hinahon muna habang ilalagay ko muna 'to sa tablet ko."
Hindi yun proposal G.A. hindi proposal at all! Sayang naman! Bakit ba hindi pa?! Kailangan ba talaga ako pa magsabeh?! Para namang kulang pa 'tong ginagawa namin ngayon?! The heck?!
Nilagay na nya yung flash drive sa tablet nya at nagsimulang magpipindot.
"Seryosong bagay 'to, Mari, kaya cool down ka na dyan."
Hinga malalim... wheeewwww! Alright! I think I'm perfectly good to go! Although kung may proposal eh handa pa rin akong makinig yon!
Nagpipindot si Kendo sa tablet nya nung may kumawalang ingay sa speakers.
"Mommy pa-loadan na natin 'tong pocket net!"
Nahalata ko kaagad yung boses na yun! "Kendo! Ikaw yun ah! Bata ka pa nun?" Tapos bigla 'kong naalala na hindi nga pala sila nagkakasundo nung magulang nya kaya... "'Yan ba yung the good old days na normal lang yung lahat?"
"Hindi naman masyado pero yang araw na yan ang may pinakamalaking impact at na-record ko pa."
"parang handang-handa kang i-record ah."
"Oo syempre dahil iisa lang ang kalalabasan nyan eh."
"Okay, tingnan nga natin!"
Bigla kong naalala yung si Mrs. Aparador at yung sabi nyang miss na nya yung dalawang anak nya. Baka ito yung mga fond memories lang!
May pinindot na ulit si Kendo sa tablet nya at nag-start na ulit yung voice recording.
"Mommy pa-loadan na natin 'tong pocket net!"
"Akala ko ba eh lagi namang mahina yung net?"
"O' nga eh! Ala namang kakwenta-kwento 'tong net!"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)