-Day 292, Saturday, November 3-
One last look na ulit sa orasan sa itaas ng pinto. 8:oo pm...
Alam kong tumatagal na pero dapat kanina pa ngang 7pm nandito eh! Ano pa bang ginagawa ko! Yung steaks namin lumalamig na!
Parang kanina-nina lang eh maya't maya kong sinisiraan si Lyn sa sobrang tagal nya tapos ako na ngayon ang hindi makagalaw?! What gives?! May ginagawa ba akong mali?!
Well actually kanina pa talaga ako nakaupo lang dito sa harap ng pinto na parang tanga, wondering ano nang gagawin.
Lumingon ulit ako sa orasan. 8:05 na. I'm wasting too much valuable time! I gotta do something!
Dahan-dahan akong tumayo at hinarap yung pinto. Tahimik naman na sa labas eh, compared sa kanina at medyo lumalakas na rin yung ulan sa labas.
Sa isang pihit nung handle eh binuksan ko na yung pinto. May mga ilang tao pa rin sa labas, pero nasaan na kaya sya? Malamang nandun sa reserve room. But what if yung dalawang kapatid nya eh nandun din? Ano nang gagawin ko ngayon?! I can't believe wala man lang akong inisip at nag-FB lang ako.
Lakad...lakad... lakad... hanggang sa naabot ko na yung reserve room namin, katapat lang nung kwarto ni Thunder kanina at mukhang sarado pa rin... probably hindi pa rin tapos.
Chi-neck ko na yung sarili ko one last time at mukhang okay naman na yung 'Keep Cool' sweater ko... plus yung masikip na v-neck sa ilalim na hopefully hindi pa puno ng pawis once this is over.
Katok...
Medyo nataranta ako nung narinig ko na yung footsteps. Sana naman 'wag yung ate-
"Uh... akala ko ba kanina pang 7-"
"Uh-eh Kendo kasi uuuhhhh... pwede bang dun muna tayo sa kwarto k-ko huh? Meron lang tayong gagawin! Walang big deal hehehe..."
Come on G.A. nasabi mo na ba?! Tama ba yung nasabi mo? Mukhang nangangatog na yung tuhod mo ah... Keep cool lang dapat parang yung sweater!
"Uuuuhhhh..." Dahan-dahan lumabas si Kendo at sinara na yung pinto. Hindi man lang nya sinabihan yung mga tao dun sa loob, kung meron man. "A-"
"Kakain lang tayo hehehehe! Wala n-n-namang masama dun diba...?!" Medyo nalakasan ko yung boses ko pero muhkang okay pa... come on man... hindi pwedeng masayang lang lahat ng preparations ko para dito.
"Importante-"
"Aba sobrang importante talaga! Nandito a-ako ngayon para uuhhhh bigyan ka ng special time!"
"Kakatapos lang natin dun sa chopper papunta rito ah, yung landi quota ba natin hindi pa puno?"
"Exactly!" Minsan talaga maaasahan lang talaga si Kendo gumawa ng mga palusot na tulad nito eh. "K-kaya nga we need to go!"
"Ah-eh hindi mo naman na kailangan pang kumuha ng bagong room eh... nandun lang yung beach sa labas-"
"Hindi sa beach! Sawang-sawa na ako sa beach!"
"Sabagay, ako lang naman lagi yung nag-aaya sa beach-"
"Kaya nga we need to go now! Dun sa taas!"
"Uh sure... sige bahala ka, saan ba-?"
I don't know kung tapos na ba sya magsalita pero ang point ko lang eh tinakbo ko na yung hallway at papunta na dun sa stairs.
"Mari! Intay!"
Wait, anlayo ko na pala?! Anong distance na ba namin?! At least walang tao rito sa side na 'to ng hotel! Eh hehehehe walang nakakita sa'kin na tumakbo ng parang tanga.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)