-Day 10, Saturday, January 25-
"Anong Macasaquit ba yon?" Takang tanong ko sa kanila, pero wala man lang na sumagot.
Mga ilang segundo pa lang e halos napaligiran na kami ng mga tao rito, na kanina lang e nag-aayos ng mga gamit nila dito.
Hindi pa ba sila magsisimula? Halos 7am na ah.
Nung nakalapit na yung mga tao e isa-isa na silang nagsimulang i-pat yung ulo ni Ilana ng sunod-sunod. Yung iba naman e panay pinch sa pisngi nya, na para bang mga lolang nakakita ng mga cute na bata.
Oh wait...
Natulak nalang ako sa isang sulok nung na-mob kami ng mga tao. Mukhang wala pa talagang nakakakilala sa akin dito kaya...
Pwede ba rin ba ako muna umalis? Kasi nakikita ko na pwede muna akong umalis. Hindi na ako magtataka at baka pagbalik ko dito matapos ang ilang minuto e mas marami nang tao dito.
Nag-sneak na ako paalis para tingnan yung set nila rito.
Malay mo na rin at baka makita ko pa yung mga artista dito!
Nagmadali akong kunin yung cellphone ko, at habang kumokonekt pa sa internet e naglakad muna ako dun sa kanilang pinagmamalaking 'Panangga ng Kabukiran.'
Bakod yun ng 'Lupain ng mga Magsasaka'. Hindi ko alam bakit may pangalan pa.
Hmmm. Sa tingin ko e mas maganda pa rin talaga yung sa Pinagpala na 'Kalasag ng Kapatagan' pero okay na rin ito.
Tumingin ako sa gilid, sa open na space lang sa likod nung mga tent at nakakita ng mga pamilyar na mga siege weapons.
Aba! Ika nga sa episode nila nung isang araw, na hindi ko naman napanood at nabalitaan lang, may tatlo nga silang catapults! Wow!
Anliit nga lang.
Naglakad-lakad na ako muna paalis. Pero nagtaka ako, okay lang ba na maiwanan yung si Ilana? Lahat naman ng tao naku-cutan sa kanya kaya wala naman sigurong masama na-
"Oof!" Parang may nabangga ata ako.
Nadapa ako patalikod at nalaglag yung cellphone ko.
Nagmadali akong kunin, at baka nag-online na ako at nag... tanong... na... ata... si... Chelll...
Umagang-umaga, at parang galing lang sa aking mga deepest fantasies ko, isang silhouette ng isang sobrang maskuladong lalaki ang lumakad hanggang nakatayo nalang sya sa harap ko.
Napa-atras pa sya nung nabangga ko sya!
Unti-unti akong tumingin sa kanya at nakita ko.
!!!!
ISANG FOREIGNER NA HALOS KASING EDAD KO LANG?!
Anong gagawin ko? Nakadapa nalang ba ako rito? Kukunin ko pa ba yung nalglag na cellphone ko? Paano na si Chel? Paano na yung mga hopes and dreams ko? Wait-
"Er-"
Hindi na nya ako pinagsalita at bigla nyang binatak yung strap ng damit ko pataas at ini-slam ako sa bakod.
"Ah!" Napasigaw ako, masakit... pero it feels sooo goooood.
Na-pin ako sa bakod, sa sobrang lapit nya e kissing distance na kami! Oh my god!
Naaamoy ko rin yung hininga nya! May parang minty freshness, na bagay na bagay naman sa sobrang husky foreigner voice nya.
Ooooohhh...
Parang nakikita kong bumubuka yung napaka-seksing labi nya, may sinasabi siguro pero wala naman akong naririnig kaya okay lang. Okay lang din kaya na dito nalang kami forever? Dito nalang ako sa bakod na 'to?
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)