Chapter 28 - Episode 1

6 0 0
                                    

-Day 9, Friday, January 24-


Lumabas ako ng bahay namin nung ate ko at nagpatuloy sa aking destinasyon, para matutong gamitin yung pana ko.

Malaking tungkulin ang dapat kong gampanan, kapag pinasa na sa akin ang trono ng Kapatagan ay dapat gampanan ko ang pagiging lider ng mga lupain na ito.

"Musta na kayo dyan, lolong galing sa disyerto, gandang araw ngayon diba?" Tanong ko dun sa matandang nakita ko kahapon na nagreklamo na namamatay at naninilaw yung mga dahon ng mga pananim nya.

"Maayos naman ako, iha, paikisabi na rin dun sa kapatid mo na, pakitulungan nalang ako mamaya." Sabi nung lolo sa akin.

"Ah! Yung kay Humus ba kamo?"

"Dun sa isa mo pang ate, bilisan mo na at may lakad na ako ngayon,"

"Isa ko pang ate? Kelan pa ako nagkaroon ng isa pang ate bukod sa kung anong meron ako dito?"

Hindi muna sya sumagot, at parang nagbago yung tingin nya sakin.

"Naging bilog ang buwan kagabi at baka nasumpaan ka, mawawala din yan mamaya, o larga ka na ha?"

"Anong-"

...

Nahinto nalang ako nang sumigaw ng 'Cut!' si Backstage sa likod ko.

"Mari, hindi mo ba alam kung paano magmukhang-gulat?"

Anong mali sa ginawa ko? Maayos naman para sakin ah! "Nagmukhang gulat na ako diba?"

"Mari, yung mukhang ginagawa mo e parang yung mukha ng mga leading lady kapag iiyak na sila? Akala mo siguro e merong tense music no?" Sabi ni Backstage sabay baba ng papel na dala-dala nya. "Alam mo naman siguro na dapat kang maging gulat diba?"

"Ba't di mo nalang sabihin sakin kung paano?"

"Mari, nag-artista ka na, galing pa sa acting workshop, bakit hindi mo pa yan al- Ah bahala na, wala talagang pag-asa yang mga workshop na yan," napabuntong-hininga si Backstage bago magpatuloy. "Okay, ganito nalang, ikunot mo yung noo mo at itaas mo yung isang kilay mo."

"Parang ganito?" Tanong ko sa kanya nung nagawa ko yung sinabi nya.

"Okay, tama na yan, o gawin mo na." Tumalikod na sya at nagsenyas na magpatuloy na dun sa taping.

...

"Anong sinasabi mo? Dalawa lang kami rito ah, hindi naman bilog ang buwan kahapon ah!"

Matagal bago sumagot yung matandang kausap ko, "pumunta ka na sa bukid, dalin mo na yung pana mo, at makikita mo sya," umalis na sya kaagad bago pa ako makapagtanong ulit.

Nagtaka ako sa sinabi nya, kelan pa ako nagkaroon ng isa pang ate? Nananaginip lang ba ako? Kinurot ko yung sarili ko.

Masakit, imposibleng tulog ako.

Nagmadali na akong kinuha yung pana ko sa bahay namin, buti nalang tulog pa si ate, at tumakbo kaagad sa bukid kung saan lagi ako nagsasanay-"

...

Nahinto nanaman ako nung nag-cut nanaman si Backstage.

"Mari, ang ibig sabihin ng takbo, e tatakbo ka, ng mabilis, at hindi mag-jogging."

Napalingon ako sa direksyon nya at nakita ko magkatabi na sila ni Selena sa ilalim ng malaking payong, at syempre yung kapatid nya rin, na di gaanong nagsasalita.

"Mainit eh!"

"Tatakbo ka lang naman ng ilang segundo, hapon naman na, 'wag ka nang magreklamo dyan. Make sure lang na bilisan mo na. Tatakbo na nga lang hindi mo pa maitama."

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon