Chapter 73 - Awesome Writing Tactics

1 0 0
                                    

-Day 41, Tuesday, February 25-


"Look, iha, alam kong gusto mong mapanood din yung pilot pero kailangan ka talaga dito, please?"

"Ma'am Aparador, I never thought na dadalin mo pa ako dito para lang sabihin yan, pero pwede ko naman mapanood yung pilot ng walang commercial interruptions diba?" Tanong ko sa kanya sabay senyas dun sa phone ko.

"Ay oo, bigay ko nalang yung video file mamaya, ilagay ko na ba yung full unang linggo at yung pangalawa na rin?"

"Aba Ma'am ah, ano po bang ipapagawa nyo sakin at parang ganyan ka?"

Pinasunod muna ako ni Mrs. Aparador papunta dun sa room nya, na once again, mukhang guidance counselor's office.

At tulad nga nung isang araw lang ata eh pinaupo na nya ulit ako dun sa harap.

"Alam mo Ms. Tangkad, naninibago lang kasi ako dito sa project natin, kasi naman kahit kelan eh hindi pa kami nagkaroon ng global release at baka ito na ang tamang panahon para makinig sa mga critics."

Napangiti ako sa sinabi nya, "Ma'aaam... sa tingin ko eh dapat po talagang matagal na kayong nakinig sa mga critics..."

"Hinde kasi yon, iha, kasi Pinoy critics yon eh, hindi sila mapagkakatiwalaan."

"Aba'y bakit naman po?"

"Wala naman, parang may pakiramdam lang ako. I mean tingnan mo yung mga international movie critics, marami yung mga points nila hindi katulad dito eh puro bash nalang ng bash."

"Paano ka po ba nakakasigurado dyan? Tumingin ka na ba?"

"Mangilan-ngilan, pero bash eh, kailangan ko talaga ng tulong mo rito."

"Ano yon?"

Huminto sya sandali at naglabas ng isang folder na maraming naka-ipit na papel sa loob. Nung binuklat nya yung folder eh puro mga papel na parang bura-bura.

"Yan ang ginagawa ko since nabalitaan kong babalik ka na rito. Meron ka bang any idea kung paano ginagawa yung script nung Pinagpala? Hindi tayo mangongopya eh para at least may idea ako pano gawing international level yung Enchantine 2."

"Ah ganun ba po? Wala naman sigurong problema dyan... In fact, easy-easy nga lang yung headwriters eh at bear in mind na ina-analyze ko yung writing techniques nila," ginawa ko pang pabulong nalang yung mga huling banda para mas convincing. Ito na ata yung sinabi ni Kendo sakin noon na sasali na ako sa writing team.

"Tingnan mo 'to, iha oh, parang mali-mali eh, magaling lang talaga kami ni Kuya Pochi mo sa pagdating sa romance."

"I think Ma'am dapat nyo na rin bawas-bawasan yung paglalagay ng too much romance, kasi parang nao-oversaturate na eh."

"Alam mo ba yung levels of romance saturation? Sinabi ba yan sa kabila?"

"Teka lang po Ma'am, speaking of sa kabila... may kaibigan sana ako-"

"Ah gusto mo syang isali rito? Aba'y pwede naman!"

Napangiti nalang ako sa sinabi nya, "woah! Bakit naman ganun lang kabilis?"

"Since malaking asset na rin naman na 'tong gagawin mo dito sa BT-7 Enchantine 2 e bakit hindi mo na rin silang dalin dito, plus dadami pa yung extras mo sa sweldo! Provided na meron kang ginawang good job ditto."

"Woah, para naman pong overrated yung tingin nyo sa kaya kong gawin, Ma'am, isang buwan lang naman ako sa Pinagpala eh."

"Isang buwan nga lang pero sa tingin ko eh yan ay more than enough! Every little thing counts!"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon