Chapter 109 - Setting Things Straight [Part 1]

2 0 0
                                    

-Day 118, Sunday, May 13- 


Na-contact na ako ni Thunder after a couple of days at na-confirm ko na nandito na sya. Somewhere daw along sa Fordsmith Park sa loob din ng subdivision.

Bakit ba kasi sa lahat ng lugar eh dun pa talaga sa Fordsmith Park? Naalala ko tuloy nung one time last year nung merong isang wierdo na lumapit sakin dyan at nagmamayabang nung bedroom nya.

Anyways, madali lang naman ito diba? Makikipag-ayos lang naman eh, not a problem! No problem at all! Madali lang 'to!

Tumingin ako sa salamin.

Tama, tama itong suot ko. Fancy, regal, at maganda. White at black combined. Since medyo mga ilang buwan na rin naman eh dapat first impressions ulit. Dapat sexy, dapat maganda-

ANO BA G.A.! MAKIKIPAG-AYOS KA LANG!

Yun lang, pero dapat maganda ako ngayong gabi. Parang date pero hindi naman talaga date, pero gabi at malamang eh kami nanaman lang yung nandun sa park at kung anu-ano-

"Qu'est-ce qui se passe ici?"

"NYAAAAHH! HEY TANGA! HINDI KITA NAKITA DYAN!"

Tinitigan lang nya ako ng masama sabay sandal sa gilid ng pintuan ng kwarto ko. "Ihahatid ba kita oh ano? Kanina ka pa dyan ah... at ano namang klaseng pananamit yan?!"

"Makikipag-ayos nga ako noh! Kaya shut up!"

"Yan ba ang suot ng mga nakikipag-ayos ha? Ni hindi ko nga alam kung ano bang pinagsasabi mo eh! Ano nanamang kalokohan yan? Care to explain?"

"Wala ka na run! Ah basta maganda na ako ngayong gabi kaya let's roll!"

"Tinawagan ako ni Thunder sabi nya kakausapin mo raw yung headwriter nila, diba yun yung pumunta rito a few months ago?"

"Wala ka na run! Ako na 'to! Kaya ko na 'to! No prob! Lika na kase."

Nakita kong nag-shrug nalang si kuya bago kami naglakad na papunta dun sa garahe ng mansyon namin at kumuha na ng isang possible ride.

"Ang gusto ko eh yung classy pero hindi sosyal, formal pero hindi attention-seeking-"

"Engot, dalin mo nalang ulit kasi yung Huracan eh, at least yun din yung dinala mo noon."

"Fine..."

Sumakay na kami sa kotse namin at nag-drive na sa Fordsmith Subdivision all the way papuntang Fordsmith Park-wait what...

Parang naalala ko lang na Fordsmith nga pala yung apelido ni Carson... ah wala na yun baka coincidence lang haha.

"STOP!" malakas na sabi ko kay kuya sabay apak kaagad nung paa nya sa brakes. Tinakpan ko na kaagad yung bibig nya at baka marinig pa kami eh.

May isang taong naka-upo sa bench! Paa ng kalabaw! Baka sya na yun! Narinig na nya kaya yung ride namin nung nakarating kami rito? Hopefully not, pero hindi ko naman talaga medyo naririnig yung V8 engine namin sa labas eh. Nakatalikod naman sya at hindi man lang lumingon kaya...?

Pina-atras ko na kay kuya yung kotse at dun na ako lumabas at dahan-dahan lumabas at lumakad na, pero abang nalang daw sya in case something went wrong.

O sige G.A. lakad ka na, madali lang naman yan eh. Makikipag-ayos ka lang... Eh paano kaya itong damit ko, okay na kaya...? Muhka na akong runway model dito sa damit ko, all the more better para sa first impression.

Papalapit na ako at medyo kinakabahan na ako, anong sasabihin nya sakin? Anong mangyayare? Ano na?

Naabot ko na yung grass lining nung park kung saan mga ilang metro nalang sya sa park bench. Medyo nanginginig na yung daliri ko pero okay lang... eh hehheeeeee... I'm so screwed...

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon