Chapter 44 - Hamana Restaurant

4 0 0
                                        

-Day 25, Sunday, February 9-


"Alam mo, parang pinagsisisihan ko na 'tong sasama kami ah," rinig kong komento ni Backstage nung lumapit na sya sakin.

"Okay ka lang, wala namang kakain sayo eh. Sayang nga wala yung mama ko ngayon eh."

"Naiwan sa France?"

"Sya daw muna magmamanage ng mga Emtree Lee's doon. Ano ka ba naman, ngayon ko nga lang makakasama yung papa ko eh in almost 2 months!"

"Akala ko pa naman e two years."

"Hehehehehe... Masyado kaming mayaman at pwede sila pabisi-bisita sakin dito, hehehehe... Si Selena ba nasaan na?"

"Nagbibihis, ano ba sa tingin mo?"

"Hmmm, mauna na kaya kayong dalawa nung kapatid mo dun sa labas."

Lumabas na kaming tatlo galing dun sa mobile home nila.

"Good luck on the trip!" Bati sa amin ni Thunder, na nasa labas lang ng pintom at naka-sando nanaman. "Nasaan nga pala si Ashton? Akala ko ba diba kasama sya ngayon?"

"Ah whole day Skype session, masyadong mommy's boy kasi eh."

"Ano namang big deal don?"

"Alam mo kung ano mas maganda? Bakit kaya hindi mo nalang kami isakay sa chopper mo, o diba?"

"No can do, not in the mood." Nag disagree si Thunder sa akin sabay cross ng braso.

"O nandyan na pala kayo! Bilisan nyo malalate pa tayo!"

"'Pa! Ready na sila!" Malakas na sabi ko sa papa ko, na nakatayo nalang katabi ng isang Hummer na nakaparada lang sa malapit.

Parang medyo kamukha nya na talaga yung matanda sa KFC, late na kasing nagpakasal eh.

"O! Ayan ba yung sinasabi mo na writer nyo?" Tuwang tanong nya nung makita nya si Backstage, "Mark Royo Tangkad nga pala."

Si Backstage mukhang regular casual clothing lang, base sa kulay nung mga suot nya, parang may preference sya ata sa white.

Yung kapatid nya naka green naman at khaki pants, plain lang din.

Ako? Basta sinigurado kong nakasuot ako ng full blue ngayon.Feeling ko talaga bagay na bagay ako sa blue.

Nginitian nalang si Papa ni Backstage at nakipag-kamay.

"O alis na tayo-"

"Wait! Wala pa yung isa!" Malakas na sabi ko ulit sabay pasok sa loob ng van.

Naglakad si Backstage at sumilip sa loob nung mobile home, sinundan ko sya dun bago sya tumawag ulit.

"Celine! What's taking you so long?"

"I'll be up in a minute!"

Si Selena e nasa banyo pa rin.

"Sandali, lemme handle this..." Sabi ko kay Backstage sabay pasok sa loob.

Nag-sneak ako ng dahan-dahan at nakita kong medyo naka-bukas yung pinto.

"You know-" magsasabi palang ako na dapat nyang isara yung pinto nang bigla nalang syang nagulat at tumilapon kung ano man yung mga make-up na dala dala nya at nalaglag na sa sahig. Bigla nalang din syang napatalikod at sobrang hingal.

"What're you doing here?!"

"I was just checking, you're taking too long, those fine-dinin' resto's openin' any time soon, I was just sayin'"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon