Chapter 50 - Undercover Mission [Part 1]

3 0 0
                                    

-Day 31, Saturday, February 15-


Maaga palang ulit, mga 6:30. Parang masyadong mahangin ata ngayon at parang may minor sandstorm ata na nagaganap, kung posible man maganap yung mga yun sa La Paz.

"Heh, galing mo talaga ano kagabi no?" Sabi sa akin ni Backstage nang naka-ngisi pa.

"Nakaka-hype talaga kayo eh," sabi ko sa kanya. Tiningnan ko rin ng saglit si Selena, pero nagce-cellphone nanaman. Magkatabi na ulit sila as usual, yun naman palagi eh. Halos magkadikit na nga balikat eh.

"Wala lang naman yon, bawal na ba ako mag-date ngayon? Besides, wala namang babae tumatagal sakin eh. Give or take natin yang si Avani ng 2 to 3 weeks aalis na rin yan."

"Not sure kung sinisiraan mo nanaman yang sarili mo e nagsasabi ka lang ng facts."

"Kilala ko yung babaeng yun matagal na, malamang nakita lang na tumaas na yung status ko."

Tiningnan ko sya ng masama, "ano sa tingin mo saming mga babae? Clockwork engines na sobrang predictable?"

"Lahat naman predictable sakin eh," sabi nya tapos huminto sya sandali. "Hinde naman kasi sa ganon. Yung mga girlfriends ko rin naman nung highschool wala rin namang tumagal eh kaya nasanay na ko dun."

"Ikaw? Girlfriends? Gwapo ka ba noon?"

"Hinde, ewan ko sa kanila. Bahala na yun, ilang taon naman na yun eh. Hindi naman ako katulad ni Thunder na puro escort gabi-gabi nalang ano ba sa tingin mo ako?"

Hindi ko sya sinagot, "how about you, Selena? Have you got any boyfriends before?"

"One," mahinang sagot nya.

"One?"

"Currently in prison."

Nahinto ako, "totoo ba yon?" Tanong ko kay Backstage sabay kamot sa ulo.

"Yeah, prizoner, maximum security. Shi-noot ni Thunder dun. Hindi na ako magbibigay pa ng detalye."

Napatingin ulit ako kay Selena, tapos kay Backstage ulit, "marami bang nanliligaw?"

Huminto si Backstage sandali at napatingin sa taas habang gumagalaw ng daliri sa mesa. Sumagot na sya pagtapos ng ilang segundo, "258, approximate value."

"Holy crap, binilang mo yun?"

"Matagal na akong nagta-tally. Bale 258 suitors, 40% millionaires, 20% billionaires, the rest mga British models."

"Heh, nice try pa talaga si Thunder kahapon... Biro mo sabi daw nya e BF daw ni Selena yung isang British model? Eh hindi lang nya siguro alam na may poster ako nya sa kwarto ko sa States! Plus kasal na sya so yeah..."

"Wut...?"

"Wow, mga bilyonaryo din ano? Sana ako rin magkaroon ng bilyonaryong boyfriend para hindi na ako trabaho paglaki ko... Kaya lang baka matulad pa ako kay Ryan eh."

"Oh please, masyado na silang marami..." Napabuntong hininga si Backstage.

"Hay naku! Paano ba yan! Marami ka palang kalaban eh no. Backstage?" Biro ko sa kanya.

Napangiti naman sya kaagad, "Mari, mga milyonaryo't bilyonaryo yung mga yon, ano ba sa tingin mo anong laban ko sa kanila? Ni hindi man lang ako mukhang model!"

Nagtaas ako ng kilay, "sinisiraan monanaman yung sarili mo oh ano?"

"Facts, Mari, facts... Kung may liligawan nga ako, e gusto ko yung katulad ko."

"Genius din at kamukha ni Selena?" Medyo nabo-bore na ako dito sa dalawang 'to ah. Si Selena wala talagang kibo ah.

"Probably..."

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon